Magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ni Alina habang naglalakad sa hallway ng campus building sa San Antonio University. Ngayon ang unang araw ng klase at nababahala na siya kung gaano kahirap ang subjects sa kursong kinuha niya.
Alam kong swerte ako simula pa noong kupkupin ako ni Madam Remmy, pero sabi niya dapat hanapin ko ang swerte ko sa labas ng pamamahay niya. Nagtitiwala siya sa'kin na may kaya pa akong gawin maliban sa pagiging kasambahay. At ito na ang simula sa paghanap ng panibagong swerte. Lord please, I know my good luck is here!
She crossed her fingers and timidly grinned as she searched for her designated classroom— written on her registration form.
Naiiling siyang pumasok nang makita ang silid. Naisipan niyang pumuwesto sa pinakadulong upuan. At kapansin-pansin na puro mayayaman pa ang naging kaklase niya.
Ang sosyal naman ng mga ito. Nakakahiyang lumapit sa kanila.
Nagkunwari siyang busy at napayuko na lang. Itinuon niya ang atensiyon sa hawak niyang libro. Ilang oras na lang ay magsisimula na ang klase sa financial management. Ngayon lang siya makakapagmuni-muni.
"Alam mo ba, may cute guy doon sa faculty. Mas pogi pa kay Sir Ybañez!" a pretty lady on the front is loudly chatting with her friends.
Kusang napaangat ang mukha ni Alina, sinilip niya ang kumpulan ng mga babaeng nag-uusap at para hindi mahalatang nausisa siya sa topic ng mga ito, bahagyang tinakpan niya ang mukha gamit ang makapal na aklat na kanina'y binabasa niya lang.
Siyempre, narinig niya ang last name ni June kaya interesado siya kaagad sa chicka ng mga dalagang hindi niya kilala.
"His name is Ricardo, like Cardo Dalisay but he's more guwapo than Cardo na nasa TV!" tili ng isang conyo girl classmate ni Alina.
"Eh, napaka-old fashioned ng parents niya to name him Ricardo. Pero guwapo ba talaga?" usisa ng isa pang babae.
"Yup, admin staff siya sa school natin pero dahil baguhan pa lang, kung anu-anong tasks ang pinagagawa sa kanya tapos hindi reklamador! My God! Napaka-ideal guy nito."
"Describe mo nga ang itsura?"
"Matangkad, matangos ang ilong, medyo maputi at may pagka-chinito. Basta guwapo talaga!" lumakas ang boses ng conyo girl at hinampas pa nito sa balikat ang kasama dahil sa kilig na naramdaman nito.
Napailing si Alina. That guy's description is really similar to Ricky. Kahit isang buwan na itong wala sa mansyon, na-miss pa rin niya talaga ito. Hindi niya maitatatwa ang bagay na 'yon sa kanyang sarili.
"Expect na lang natin na palagi natin siyang makikita."
****
Lumiwanag ang mukha ni Alina nang makasalubong sa hallway si June pagkatapos ng mahirap na subject niya. Napansin agad siya nito kaya ito na ang unang lumapit.
"Alina, kumusta ang first day?" bungad na tanong ni June. Lumapad pa ang ngiti ni Alina dahil lalong gumuwapo sa paningin niya si June kahit naka-reading glass ito.
Siya talaga 'yong isa sa mga hot professor sa mga palabas sa netflix — gagad niya sa isipan.
"Alina?" untag ni June dahil pansin niyang nakaawang lamang ang bibig ni Alina at walang namutawing salita mula rito.
"Huh? Ah... Ayos lang Sir June, medyo mahirap pala ang subjects pag third year na. Pinipilit ko pa ring mag-adjust, mabuti na lang at ni-review ko pa 'yong mga nakasulat sa lumang notes ko. Ang tagal na rin kasi noong huminto ako eh. Buti na lang nagawan ng paraan para hindi ko na balikan ang ibang subjects na 'di make-credit dahil late na akong nagpatuloy." Apologetic ang pagkakasabi ni Alina.
Pakiwari niya'y namumula na ang kanyang pisngi dahil nakakapaso ang tingin ni June kaya yumuko na lang siya.
"Mabuti kung gano'n. Sige, may klase pa kasi ako, mauna na ako huh? Ingat pag-uwi," ngiting sambit ni June at saka sumulyap sa suot niyang wrist watch.
"Ingat din po, salamat sa motivation," sagot naman ni Alina.
Nilagpasan na siya ni June pero sinundan niya ito ng tingin hangga't sa umakyat ito papunta sa 3rd floor ng campus.
Kita mo 'yan, kahit nakatalikod sobrang guwapo pa rin.
Napasinghap siya at magpapatuloy na sana sa paglalakad palabas pero may bigla namang umusisa sa kanyang mga babae— iyon din ang mga kaklase niya sa room kanina na nag-uusap tungkol sa partikular na admin staff.
"He-hello?" alanganin niyang bati sa mga ito.
"Magkakilala kayo ni Sir June? Kasi sa tanang buhay namin, ikaw lang ang nakita naming kinausap niya sa campus, at siya pa talaga ang unang lumapit sa'yo," nakangiting wika ng babae.
Marahang itinango ni Alina ang ulo.
"Wow nice. Baka puwede mo namang ibigay ang letters namin para sa kanya? Saka may number ka ni Sir June?" sunod-sunod na tanong ng isa pang babae, matangkad ito, maganda at mukhang galing sa mayamang pamilya.
"Naku, hindi puwede. Saka wala akong number ni Sir June, mauna na ako sa inyo." Mabilis niyang iniwasan ang mga babae at nakahinga siya nang maluwag dahil hindi na siya sinundan pa ng mga ito.
Sa library muna siya pumunta para gawin kaagad ang assignments ng prof para sa subject na nahihirapan siya. Gusto na niya kasing hindi na mag-isip pag nasa mansyon na siya. In that way, makakatulong pa siya kina Yayo at Kikay dahil ayaw din naman niyang mahirapan ang dalawa sa trabaho.
Naging payapa ang utak niya dahil napakatahimik sa library. She focused on taking down important notes, mas pumapasok kasi ang info sa utak niya kung sinusulat iyon habang kinakabisado.
Kalahating oras na ang ginugol niya sa library, masigasig siya sa ginagawa at malapit na sanang matapos pero nabasag ang katahimikan dahil may nagpatugtog ng edm music sa loob gamit ang cellphone.
Napangiwi siya. Nawawala ang konsentrasyon ni Alina sa ginagawa kaya minabuti niyang tumayo muna at hanapin kung sino man ang nag-play ng music. Papakiusapan niya ito na itigil ang pagpapatugtog. Nag-ikot ikot siya sa bawat sulok ng library pero wala siyang makitang tao na naroon. Umalis yata ang librarian.
Kung gano'n, saan galing 'yong music?
Napakamot-ulo siya at bumalik na lang sa ginagawang pagsusulat.
Nang matapos sa library, napagpasyahang umuwi ni Alina. Napagod din naman siya kahit papaano, mabuti na lang, inspired siya dahil kay June. Ngunit sa kabilang banda, may hinahanap-hanap pa rin siyang tao na nag-iwan ng puwang sa kanyang puso.
She held her chest after she gasped for air. Ang weird na naiisip pa rin niya si Ricky. Lalo na kapag nakakakita siya ng naka-park na motorsiklo, 'yong moment na pagsakay niya sa motor kasama ito ang kanyang naaalala.
Wala naman akong gusto sa kanya. Wala as in wala!
BINABASA MO ANG
Sweet Yet Dangerous [FINISHED]
HumorPangarap ni Alina na maipagpatuloy ang college degree kaya laking pasasalamat na lang niya nang gawin siyang scholar ng kanyang amo. Labis ang kagalakan niya dahil makakabalik na rin siya sa university kung saan nagtuturo ang first love niyang si Ju...