Masama pa rin ang tinginan nina Ricky at Alina kahit kaharap na nila si Nanay Remmy. Ito ang deserve nilang almusal— sermon mula sa matanda.
"Sa nakita namin, mukhang pareho kayong may mali," walang kangiti-ngiting bungad ni Nanay Remmy sa dalawa. Mabilis namang pinabulaanan ni Alina ang sinabi ng kanyang amo. "Madam, hindi ako ang may mali. Natulog siya sa kuwarto kahit alam niyang may ibang taong natutulog doon. Siya talaga ang nagkamali!"
"Totoo ba 'yon Ricky?"
Umangat bigla ang mukha ni Ricky at napakamot sa ulo. "Napundi po kasi ang ilaw, madilim din at hindi ko napansin na may natutulog po pala. Pasensiya na po, wala naman po akong ginawang masama."
Bumuntong-hininga si Nanay Remmy at tinapunan ng tingin si Alina. Napansin niyang hindi mawala-wala ang bakas ng galit sa mukha nito. "Mabuti pa't mag-sorry kayo sa isa't isa."
"Ayoko po!" sabay pa nilang bigkas. Ayaw ni Ricky na humingi ng paumanhin dahil siya ang lubhang nasaktan sa kanilang dalawa, napunit pa ang t-shirt niya dahil hinatak-hatak iyon ni Alina sa kasagsagan ng kanilang away.
Si Alina naman ay hindi hihingi ng paumanhin sa binata dahil sa aksidenteng nahalikan siya ni Ricky at hindi niya puwedeng aminin 'yon kay Nanay Remmy. Hindi niya pa rin kayang tanggapin na si Ricky pa ang naging first kiss niya.
"Okay, sige bayaran n'yo na lang ang vase na nabasag." Napahilot sa sintido si Nanay Remmy at itinirik ang mga mata. Sapantaha niyang walang gustong sumuko kina Ricky at Alina para mag-sorry.
"Huwag n'yo na pong idamay si Alina sa pagbabayad. Ako na lang po ang bahala," maagap na suhestyon ni Ricky. He knew that Alina cried because of it. Concern na concern siya kay Alina sa kabila ng pagkainis nito sa kanya.
"Pero wala ka pang trabaho saka hindi mo kakayanin ang pagbabayad," tugon naman ni Nanay Remmy at tinapunan ng mapanuring tingin si Alina. Hindi naman nakaalpas sa paningin niya ang pangingilid ng luha nito. Kabisado na niya si Alina, matapang ito pero kapag alam nitong may kapalpakan itong nagawa, umiiyak na lang ito at hindi madaling makapag-move on. Alina is her hardworking maid. Hindi niya ito pinagagalitan kapag may nagagawang mali dahil alam niya ang pagsisikap at sinseridad nito.
Naalala niya pa ang unang beses na makita niya si Alina dahil dati na ring nanilbihan ang nanay nito sa kanilang mansyon. Nakiusap ang nanay ni Alina na kung puwede itong tumira sa mansyon sa kadahilanang kamamatay pa lang ng padre de pamilya, naaksidente kasi sa kalsada dahil sa propesyon nito bilang isang driver.
Nahahabag si Nanay Remmy kapag nakikitang umiiyak ang dalagita dahil traumatized ito sa nangyari. Sa kasamaang palad, pumanaw din ang nanay ni Alina dahil may sakit sa puso. She witnessed how Alina endured the pain, her parents are gone when she's only 12. Natakot siyang maging batang palaboy nang maging ulilang lubos. Akala niya'y palalayasin na siya ni Nanay Remmy pero laking pasasalamat niya nang sabihin nito na handa siya nitong kupkupin at pag-aralin, basta magiging katuwang siya nito sa pagpapanatili ng kaayusan sa mansyon.
Si Nanay Remmy ang nagsilbing guardian angel ni Alina. Utang niya lahat ng tinatamasa niya at kung dumating ang araw na maningil ng kabayaran si Remmy kapalit ng isang pabor, hinding-hindi siya magdadalawang-isip na gawin ang pabor na hihingiin nito— kahit palayasin siya nito sa mansyon kung mapagtanto nitong hindi na siya nito kailangan.
"Pag-iisipan ko na lang muna Ricky ang gusto mong 'yan. Gusto kong magpunta kayo ni Alina sa ospital, patingnan n'yo ang mga sarili ninyo, hindi lang sa doktor pati na rin sa psychiatrist at ipa-check ang utak ninyo. Suko na ako." Nagpakawala ng buntong-hininga si Nanay Remmy matapos niyang pasadahan ulit ng mapanuring tingin ang dalawa. Hindi niya paglalayuin sina Ricky at Alina, sa halip ay paglalapitin pa niya ito para naman magkaroon ng posibilidad na magkaayos sila.
"Hindi na po kailangan, si Alina na lang po ang papatingnan ko sa doktor, naiwasiwas ko siya sa sahig," nahihiyang pag-amin ni Ricky.
"Alam ko. Pinapanood namin kayo kanina di ba? Magpapagawa na ako ng ring dito para mag-sparring na lang kayo tuwing may hindi kayo pagkakaintindihan," sagot ni Nanay Remmy at iniwan na rin ang dalawa.
Kapwa napabuntong-hininga sina Ricky at Alina nang makumpirma nilang nakabalik na si Nanay Remmy sa silid nito.
Mabilis na kumilos si Alina upang kumuha ng walis at dustpan pero naunahan naman siya ni Ricky. "Ako na, marunong naman akong magwalis."
Hinayaan niyang linisin ni Ricky ang piraso ng vase na nagkalat sa sahig. Pero hindi niya maikakailang na-move siya sa sincerity ni Ricky. Inako pa talaga nito ang pagbabayad sa vase kahit na wala pa itong trabaho na kung tutuusin, puwede naman nilang paghatian na lang.
"Matulog ka na ulit Alina, ako nang bahala rito. Alas kwatro na rin pala ng umaga, tutulong na ako sa gawaing bahay," he suggested.
Napangiwi si Alina. "Huwag, baka kung ano na namang mangyaring bulilyaso. Saka bisita ka nila 'di ba? At boss na rin kita kaya ako nang bahala."
"Sabi mo 'yan huh? Boss mo na ako?"
Pansamantalang binitawan ni Ricky ang walis at dustpan para makita ang mukha ni Alina.Ang cute mo kapag nakangiwi ka nang ganyan.
"Oo, boss na kita. Pero kahit boss na kita, hindi ko hahayaang tapakan mo ang pagkatao ko. Maliwanag?" lakas-loob niyang pahayag.
"Hindi naman kita tinapakan, nilampaso lang kita sa sahig." Naningkit nang husto ang mga mata ni Ricky sa kakatawa lalo na't naalala niya ang mala-wrestling fight na 'yon.
Hindi naman niya nabigong asarin si Alina. Lalampasan na sana siya ni Alina pero hinarangan niya ang pinto na daraanan nito.
"May iuutos ang boss mo," hirit niya.
"Ano?" tipid na tanong ni Alina at sinalubong ang nakakalokong ngiti ni Ricky. Pansin niya ang sugat nito sa ilong at panga dahil sa pagkalmot niya rito pero hindi man lang nakabawas sa kaguwapuhan ang mga sugat nito.
"Ipagtimpla mo naman ako ng kape," hirit ni Ricky.
"Okay!"
Inirapan siya nito at sinundan pa ito sa kusina.Alina, kailan ba tayo magiging close?
BINABASA MO ANG
Sweet Yet Dangerous [FINISHED]
HumorPangarap ni Alina na maipagpatuloy ang college degree kaya laking pasasalamat na lang niya nang gawin siyang scholar ng kanyang amo. Labis ang kagalakan niya dahil makakabalik na rin siya sa university kung saan nagtuturo ang first love niyang si Ju...