Danger

1 0 0
                                    

LISA POV

Matawagan nga si xan. Magpapasalanat lang ako dahil hindi ako nakapagpasalamat sa kanya kagabi.

[hello. Napatawag ka lis]

"Thankyou nga pala sa pagkain at saka sa pag hatid sakin sa dorm"

[wala yun. Ikaw pa malakas ata sakin]

"Sige baba ko na. May gagawin pa ko"

[Wait lang lis]

"Hah?"

[Pasyal tayo minsan]

"Sige ba"  narinig ko naman na nag yes sya ng mahina bago ko ibaba yung tawag.

Wala nga pala pasok ngayon dahil saturday. At dahil wala dito yung mga girls ay hindi ko alam kong sasaya ba yung year ko dito. Bago ako umalis nagluto mo na ko ng noodles dahil sa sobrang tamad ko. Pag katapos ko kumain naligo na ako at sinuot ko yung sport bra ko at leggings na hanggang tuhod. Tinali ko din pala yung buhok. Kung sa tingin nyo na mag eexercise ako nagkakamali kayo


Sinuot ko yung earphone ko at nagpatugtug. Tahimik lang ako na naglalakad sa school napag isip isip ko kasi na bat hindi ko nalang libutin tong napakalaking university na to.

Hmmm. Ang ganda pala dito. Omo OoO

May racing pala dito bat di ko napansin to. May try nga

"Excuse sir"

"Yes ma'am?"

"Paregister naman ako ng name ko"

"Ah eh ma'am bawal po yung babae dito"

"What? Are you damn serious"

"Pasensya na ma'am pinag babawal po kasi ni sir kaizer ang mga babae"

Ang kj naman ng kaizer na yun.

"Magkano ba? Magbabayad ako ng malaki"

Magsasalita na sana sya ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Nang gugulo ka ba dito?" hinarap ko naman tong lalaki na nasa likuran ko

"Oh saktong sakto nandito ka na pala" wala man lang reaction.

"Gusto kong sumubok" straight forward kong sinabi. Tinignan yan ako mula ulo hanggang paa. Aba manyak to ah

"Di mo ba naintindihan yung sinabi nya na bawal ang mga BABAE dito"

"Ganto nalang pag natalo ako hinding hindi na ko tatapak dito at pag nanalo naman ako pwede na ako dito kahit anong oras. Deal?" Nagdadalawang isip pa sya kung tatanggapin nya yung kamay ko

"Deal"

"Sino makakalaban ko?" mayabang kong sabi.

"AKO" singit ng bagong dating. Tinignan naman namin ni kaizer kung sino yung nagsalita.

"Verona? Bat nandito ka?" dali dali naman lumapit at kumapit sa braso ni kaizer na parang unggoy.

"Namiss kasi kita bibi" malanding sambit ni verona so girlfriend nya pala to? Sa bagay, bagay naman sila. At saka yuck ah bibi ano sya duck. Napansin ata nilang dalawa na para akong nasusuka

"What?" sarcastic kong sabi.

"Bat ba nandito yang babaing yan bibi?"

"Wag mo nga akong tawagin bibi verona" medyo pikon nito sabi.

"Bat naman? Ang cute nga eh" yuck nagpout pa ang gaga.

"Ano na? Mag lalandian nalang ba kayo sa harapan ko?" irita kong sabi

"Ay nandyan ka pa pala" aba sinusubukan talaga ako ng gaga. Pahiya ka sakin mamaya

"Tsk!" yun nalang sinabi ko tutal mapapahiya naman sya mamaya eh.

"Sige kayo ang mag lalaban. mag bihis na kayo bago natin umpisahan ang karera" sambit ni kaizer

"Paannounce na din sa school para naman makita nila kung sino ang talunan samin"

"Mabuti nga ng malaman ng school na ikaw ang talunan satin dalawa" mataray kong sabi. Tumalikod na ako at umupo sa may upuan. Di ko na kailangan mag bihis dahil mas comfortable na ko sa suot ko. Nakita ko naman na umalis na si verona sa pagkakakabit kay kaizer. Napansin kong napatingin si kaizer sakin saka ko naman iniwasan ang tingin ko.

"Bat nakaupo kalang?" naupo naman sya sa tabi ko

"Masama na pala maupo ngayon?"

"Hindi ka ba mag bibihis?"

"Hindi mo ba nakikita na nakabihis na ko" napahilamos naman sya. Napikon na ata sakin

"Galingan mo mamaya. Maiingat ka" napatingin naman ako sa kanya

"Naging concern ka ata?"

"Hindi ako concern" pagbabawi nya

"Ok sabi mo eh" sarcastic kong sabi.




VERONA POV

"Alam nyo na kong anong gagawin" pinatay ko na ang tawag mula sa kabilang linya. Napangiti nalang ako dahil sa mga iniisip ko

GOODLUCK BITCH!




LISA POV

Sinuot ko na ang helmet ko ganon din si verona. Nakapink outfit sya ganon din yung sasakyan nya Yuck! Buti sakin blue. Sumakay na kami sa kanya kanya namin sasakyan.

May babae na pumunta sa gitna at winagayway na ang flag na hawak nya.

READY SET GO.




KAIZER POV

Pinaharurot na nila ang mga sasakyan nila sa ngayon nangunguna si verona. Napatingin naman ako sa mga tao ang dami nagsipuntahan. Napalingon naman ako sa kanan ko nabigla ako sa nakikita ko nandito ang mga red demon. Nandito kaya sila dahil kay lisa? Naramdaman ata ni zero na may nakatingin sa kanya kaya bigla sya napatingin kung saan ako nakapwesto. Nag smirk ako sa kanya bago ko iniwas ang tingin ko at tinuon sa racing.

Nagunguna pa din si lisa. Kinakabahan ako pakiramdam ko ay may masamang mangyayari pero mukhang hindi naman dahil malapit na sila sa finish line.



LISA POV

Nakikita ko na yung finish line. Tumingin ako sa side mirror ko at napansin ko na humahabol na din si verona. Ipapaharurot ko sana ng bigla ngang sinagasahan ang sasakyan ko kaya naman na pa wrong direction ang kotse ko. Ilang beses nyang binabanga yung sasakyan ko. Ganon din ang ginagawa ko. Nang napansin kong parang nabutas ata ang isang tire ng kotse ko. Lintik na yan. Unting tiis nalang lisa mananalo ka na. Ipapaharurot ko sana yung kotse ko ng napansin kong walang gasulina. Biglang binanga na naman ni verona ang sasakyan. Dahilan kong bakit papunta na ang kotse ko sa malaking poste. Ang masasabi ko lang kasing dumi ng mukha nya ang paglalaro nya.

BOOGSH

ACK! Hinawakan ko ang bandang ulo ko kung saan sumakit naramdaman ko na may dugo ito. Lumalabo na din ang paningin ko










Blackout

STREX ACADEMYWhere stories live. Discover now