LISA POV
nandito ako ngayon sa labas ng building ng black soul. Bigla naman ako napalingon sa kabilang building at kung minamalas ng naman napatingin din si zero. Dali dali akong nag lakad at kunware ay walang narinig.
"LISA!"
"LISA!
KUNG DI KA TITIGIL SA PAGLALAKAD MO..."
Tumigil naman ako sa pag lalakad
"Ano gagawin mo hah! Ang kapal naman ng mukha mo para bantaan ako" sa di ko namamalayan ay nasa harap ko na pala sya.
"Buti naman tumigil ka din" biglanv uminahon yung boses nya.
"Ano ba kasi kailangan mo hah!"
"Ito ang kailangan ko" bigla naman nya kong niyakap. At kung iniisip nyo kung bat hindi ko sya tinulak ay dahil sa nagulat ako
"A...ano ba..ng problema mo?"
"Pls kahit ito lang" pinabayaan ko naman sya. Alam nyo yung feeling na para syang isang tigre na naging pusa. Ganon na ganon sya ngayon.
Matapos ang 2 oras na pag kakayakap nya sa wakas bumitaw na din sya.
"Salamat" sambit nya habang nakatingin sa ibang direction
"Ano ba kasi problema mo at nangyayakap ka dyan?"
"Sus kunware ka pa na ayaw mo eh hindi mo nga ako pinabitaw sa pagkakayakap ko sayo"
"Aba ang kapal talaga ng mukha mo no. Naaawa lang ako kaya di ko kinalas yun lang yun" pagtataray ko sa kanya. Sakto naman biglang tumunog yung tyan ko.
"Tara" hinawakan nya ko sa kamay at hinila sa kung saan.
"San mo ba ko dadalhin ah?"
"Kakain tayo"
At dahil gutom na ko ay tumahimik na lang ako. Nagulat ako sa lugar kung san nya ko dinala.
"Ba.. Bat tayo nandito?" pagtataka ko
"Ayaw mo ba? Sige lipat nalang tayo" bigla naman syang naging malungkot.
"Ahh hindi hindi ayos lang. Gusto ko nga dito eh. Alam mo ba miss ko kumain ng mga fish ball nagulat lang ako dahil mahilig ka pala sa mga ganto"
Ngumiti lang sya. Habang kumakain kami ayy di namin namamalayan na gumagabi na pala.
"Iuwi na kita"
"Wag na malapit lang naman yun dito" maglalakad na sana ako ng biglang...
"May di ka ata naalala"
"Huh?"
"Di mo pa ko sinasagot diba?" kala ko di nya na naaalala yun.
"Ano ba yun?" pag kukunware ko
"Alam kong alam mo kung ano tinutukoy ko" lumapit naman sya sakin habang nakahawak sa bewang ko
"Ah eh oo naaalala ko na. Pwede ba lumayo ka muna" ngumiti naman sya saka lumayo.
"Tinatanong mo ko diba kung pwede mo ko maging girlfriend o you make my life living hell tama?" tumango lang sya
ZERO POV
Kinakabahan ako sa sagot nya pano kung hindi haysst
"Ang sagot ko ay..." ano ba naman yan bat ba pinapatagal nya pa.
Yes pls
Yes pls
Yes pls
Pls mag yes ka
"NO" Nabigla ako sa sagot nya
"Ba... Bakit?"
"Ano ka sinuwerte syempre pag hirapan mo. Hindi to wattpad na mag yeyes nalang ako basta basta. At kung gagawing hell ang buhay ko. Go lang" sabi nya sabay kindat.
Tumalikod na sya at umalis. Iniwan nya lang ako dito ng mag isa. Dumeretso ako sa bahay at kumuha ng alak.
"Anong problema mo boss?" tanong ni xan
"Ngayon ka nalang ulit uminom ng alak ah. Wag mong sabihin tungkol yan sa babae"
Gusto ko san sabihin sa kanya kaso wag nalang. Ininom ko na yung alak. Ngayon nalang ulit ako napahiya sa babae maliban kay...
"Boss tama na yan may pasok pa tayo bukas"
"Pabayaan mo nga ako"
"Bahala ka nga dyan boss. Matutulog na ko" pumasok na si xan sa kwarto nya.
Boosgh
LISA POV
Hay sa wakas nasa bahay na din ako. Grabe nakakastress ang araw na to.
Naligo na ako at nag damit pang bahay. Ako nalang talaga mag isa. At unti unti na akong nakatulog.Kinabukasan
9:00 na pala. Wag na nga ko pumasok. Lagi naman ako hindi pumapasok eh hahahahaha. Tama! Mag mamall nalang ako at mamimili ng groceries para pag nagugutom ako magluluto nalang ako.
Nagsuot ako ng short tas hoddie na brown at nagsuot na din ako ng sobrero baka mamaya makilala pa nila ako.
MALL
milk
Bread
Fruits
Noodles
Eggs
Meats
Spaghettie
Tubig
Oil
Seasoning
Ice creamHmmm ano pa kaya? Bibili kaya ako ng damit? Wag na nga lang.
Ayon chocolate! Kaso di ko abot masyadong mataas. Pilit kong inaabot ng may biglang kumuha sa likuran.
"Ano..." pagkaharap na pagkaharap ko nagulat nalang ako na sobrang lapit ng dibdib nya sakin.
"Tabi nga" sabay tulak ko sa kanya.
"Diba inaabot mo to?" nilapit naman nya sakin yung chocolate. Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba o hindi.
"Kukunin mo ba o hindi?"
"Akin na nga" hinablot ko na sa kanya.
"Bat nandito ka?" tanong ni kaizer
"Kita mong nagmamall yung tao nag tatanong ka pa"
"Pwede ba wag kang masyadong mabilis"
Nakakainis naman tong mokong na to eh
"Excuse me lang KAIZER! pero pwede ba mine your own business. Masyado kang esturbo sa pamimili ko"
"Bakit ba ang sungit sungit mo sakin?"
"Ano ba pake mo kung masungit ako"
"May pake ako dahil may pake ako sayo" nabigla naman ako sa sinabi nya kaya nag patuloy ako sa paglalakad. If I know maharot ka lang.
"Bat biglang natahimik. Wag mong sabihin kinikilig ka sa sinabi ko hahahahahahaha" aba loko to ah
"Ako kikiligin? Kanino? Sayo? no way! Over my dead sexy body!" tumalikod na ulit ako sa kanya.
"Sus"
Nag bayad na ako sa counter. Kung nagtataka kayo kung kasama ko sya
"Hindi ka ba aalis? Para kang asong buntot ng buntot sakin"
"Sa aso mo lang ako ikukumpara. Ang gwapo ko namang aso"
"Hindi ka ba mauubusan ng yabang hah!" kinindatan nya lang ako. Nakita ko naman si cashier na galit na nakatingin sakin
"Anong tinitingin tingin mo dyan. Akin na nga yan" kinuha ko na yung pinamili ko at tinarayan yung cashier. Nasaktuhan naman ng mata ko yung pag kindat nu kaizer don sa babae. Malandi.
Binilisan ko yung pag lakad ko at nag tago para hindi nya na ko masundan. Buti naman nakatakas na ako sa kanya.
YOU ARE READING
STREX ACADEMY
Hayran Kurguano nga ba ang strex academy? isa nga lang ba itong normal na paaralan.... bitches slut nerd badboy/badgirl mafia prince/mafia princess assassin bullier Ano nalang kayang mangyayari pag nag kita kita ang mga dapat hindi mag kita? Ano nga ba ang mab...