Prologue

27 4 4
                                    

Ang tahimik ng buong silid aklatan. Ito ang pinaka maayos na silid para kay Rhea sapagkat dito sya nakakapag gawa ng mga gawain nya pagkatapos ng klase. Masyado kasing maiingay ang mga estudyante nya.

Maya maya pa ay dumating si Sir. Valenzuela, mas matanda ito sa kanya at matagal nang nagtuturo. "Ano at nariyan ka pa, hindi ba't may pinababantayan na klase sa iyo ang Sir. Riel?" Aniya.

Sa pagod sa paggawa ng exam ay hindi nya namalayan ang oras na may babantayan pala syang klase.
"Opo Sir nawala sa isip ko." At sa pagmamadali nya ay nalaglag ang isang lumang liham kalakip ang tuyong rosas sa hawak nyang makapal ng libro.

Pinulot nya iyon at napuna ito ni Sir. Valenzuela kaya sya ay muli nitong inasar. "Hindi maipagkakaila na may namamagitan talaga sa inyo ni Sir. Kent ha. hahaha." pang aasar nito.

Napangiti na lamang sya ng mapait nang muling dumapo ang mga mata sa huling linya ng bukas na liham.

"Hindi ko ginusto na mapunta tayo sa ganto, Rhea. Pero sana kapag pwede na, pwede pa."

Matapos nyang ayusin ang gamit ay agad syang nagtungo sa silid na kanyang babantayan.

"Goodmorning, Ms. Mercado. Jesus loves you and so do I, Mabuhay!"

-

Dedicated ang chapter na 'to sa adviser ko, Sir. Noel :)

Author's note:
I wrote this story bc the pandemic pushed me to do it. Hope ya'll like it :*

Follow me on Twitter: aliciá_

Sunset Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon