"Rhea, ganda."Hindi pwedeee.
"Hindi ka pa din nagbabago ganda, ang liit mo pa din."
Sa mga ngiting pinakawalan nya, ang una at huling beses na nakaramdam ako ng walang alinlangan na saya, walang halong kaba.
"Huy! Ayos ka lang?" Kinaway kaway nito ang kamay sa mukha ko habang tinatanong ako. Hindi ko akalain na sa ganitong lugar ko sya makikita, gayong ilan taon din syang hindi nagparamdam.
Hindi ko sya jowa. Wag kayong maka imagine! Daven was the first and last person that made me feel worthy, and special.
An old friend. Yes.
"Ganda?" Muli nitong tawag. Nawala ako sa pag alaala ng mga nakalipas na taon nang hawakan nya ang balikat ko. Pero umiwas ako. "Ahh eh, ikaw pala yan. Hehe. Akina yang pinamili ko nagmamadali kasi ako." Hindi na ako nag alinlangan na kunin sa kanya mga dala ko kanina. Pero nabigo akong takasan sya, sa pangalawang pagkakataon.
"Look, Rhea. I need you. I want you by my side. Malapit na ang election, I'm planning to run as one of the City Councilor. And Daddy will run as Governor, again." Aniya.
Ito ang tinatakasan ko. Eversince, mula highschool at college, hindi ako nawala sa tabi nya. Mula Student Elections, sa mga Debate battle noong College, at lahat ng posisyon na gusto nya nandoon ako. After college, nag tapos sya ng Law at naging Attorney na. At nakasisiguro akong tinapos nya ang Political Science na pareho naming pinangarap itake.
I am always at his back, before.
Nagbago ang lahat 'nong nalaman ko ang gawain ng Daddy nya. Si Gov. Silverio. Na kilala ko mula ulo hanggang paa. Lahat ng tungkol sa kanya ay alam ko dahil kay Daven. Alam ko lahat ng ginagawa nya para sa posisyon nya, at ngayon ay balak nyang tumakbo ulit para sa pangalawang termino nya? Ha!
"Daven. Hindi na pwede. Isa na kong teacher ngayon. At hindi pwede ang gusto mo. Hindi pwede na magkaroon ako ng sinusuportahan kapag pulitika ang usapan. Alam mo yan dahil abogado ka." Paliwanag ko rito. Alam kong alam nya na hindi iyon pwede. At ayoko din. Hindi ko na kayang tulungan sya ulit.
Masyado nang komplikado ang sitwasyon namin ngayon. Isa na akong public school teacher, at isa na syang attorney at.. gaya ng Daddy nya pulitiko.
"Namimiss lang naman kita." seryosong sabi nya. Napaka lambing talaga ng boses nito, naaamoy ko rin ang pabango nya na hindi masakit sa ilong, di gaya ng pabango ni Kent. Sir Kent I mean. Hmm joke lang!
Hanggang ngayon ay hindi pa din nawawala ang animo'y paru-paro sa tyan ko kapag ganyang mga salita ang binibitawan nya. Parang dati lang.
Pumayag ako na makipag usap saglit, habang sumisimsim kami ng kape sa gilid ng parking lot ng Mall. Noong isang taon ay nagkita din kami, isang event sa city hall na dapat ay naroon kami. Pero hindi ko sya kinausap.
"Hindi mo kailangang iwasan ako. Kung dahil lang kay Daddy." Malumanay nyang sabi. Hanggang ngayon ay napaka hinahon pa din nya kapag ako ang kausap. Hindi pa rin nagbabago.
"Hindi ko lang matanggap. Na pinili mong sundan ang yapak ng Daddy mo na napag-usapan na natin dati, at nangako ka." Sa pagkakataon na ito ay ngumiti ako ng mapait ng maalala ang nakaraan namin. Bilang magkaibigan.
Halos hindi kami mapag hiwalay. Sabi nya ako ang swerte nya, lucky charm kumbaga. Dahil lagi akong nasa tabi nya kapag may mga laban sya, kapag may mga gusto sya. Katulong nya ako mag plano sa mga debate nya, ako angnasa likod ng mga balang binibitawan nya noon bilang campaign speech sa university.
BINABASA MO ANG
Sunset
General FictionIsa sa masakit na karanasan ng isang tao ay ang pagharap sa masakit na katotohanan. Maaring maging dahilan ito ng pagkabigo, pagluha o di kaya naman ay pagbabago. Si Rhea, isang dalagang bago pa lamang sa propesyon ng pagiging guro. Hindi dahil yun...