✧ 012

355 28 43
                                    

1:34 pm

Junghwan
areum, sorry kung di ko na kayo
nasabayan kaninang lunch hshs

Junghwan
masyado ata akong natuwa makipag-
usap kay dahyun pqhsyqlsballajshdjl

Junghwan
nakakain ka naman ng maayos diba?

Junghwan
parang ang lungkot mo kanina nung
tinitignan kita eh

Junghwan
awkward ba kayo nina hyung kanina?

Junghwan
hehe, magiging close din kayo ng
mga 'yon!

Junghwan
alam mo ba

Junghwan
ang cute ni dahyun ksks

Junghwan
pati tawa niya ang ganda hshs

Junghwan
napaisip tuloy ako..

Junghwan
parang gusto ko na umamin kay
dahyun.

AREUMI'S

"Yah, akin na nga 'yang phone ko!" mahina kong sigaw kay Dahyun na parang may binabasa sa screen ng phone ko ngayon.

Tumingin siya bigla sakin. Hindi ko maintindihan yung tingin niya sakin, ang sama na hindi ma-explain.

"Ano?" tanong ko at sinamaan siya ng tingin pabalik.

"Alam mo naman ang rules kapag na-confiscate ang phone mo diba? Mamayang uwian mo na 'to makukuha." at saka siya tumayo at binigay 'yon sa class president namin.

"Psh." tanging imik ko na lang.

"Hoy, Areumi." tawag niya sakin ng makabalik na siya sa upuan niyang malapit sa upuan ko.

"Ano nanaman?"

"Si Junghwan.." hm?

"Oh, anong meron kay Junghwan?"

"Wala.. Curious lang kasi ako.."

Napalingon na ako ng tuluyan sa kanya. Curious? Siya? Kay Junghwan?

"Sa tingin mo ba.."

"..Bakit lagi na siyang lumalapit sakin?"

Para akong nabilaukan sa sarili kong laway.

Halata sa kanya ang pagtataka, walang halong pagyayabang o ano. Ngayon ko lang 'to nakita magmukhang inosente sa harap ko mga teh. Wow.

Ano namang isasagot ko sa tanong niyang 'yan? Aish.

Parang ako pa ata ang magiging daan para maging M.U. sila ah, tsk.

"Ewan. Baka gusto ka maging ka-close o ano." tanging sagot ko lang at saka tumalikod na ulit sa kanya.

"Ahh.."

Parehas kaming nanahimik, nanatili akong nakatingin sa labas ng bintana namin.

"Areumi."

"Ano ba 'yon? Tawag ka ng tawag."

"Pag sinabi mo bang gusto mong umamin sa isang tao, ibig sabihin ba non may gusto ka sa kanya?"

Kailan pa kami naging magkaibigan nito at nagtatanong sakin ng mga ganitong bagay? Jusko.

"Pag sinabi kong oo, tatahimik ka na ba?" iritableng sagot ko.

At ayon, nanahimik nga.

Pasimple akong lumingon sa kanya, tulala naman na siya ngayon. Ano ba problema nito?

Aish, bakit ko pa ba iintindihin 'yon? Di naman kami close, tss.

Aish, bakit ko pa ba iintindihin 'yon? Di naman kami close, tss

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
LOVE MAZE 'ʲᵘⁿᵍʰʷᵃⁿTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon