✧ 057

352 29 11
                                    

JUNGHWAN'S

4:29 pm, nandito na kaagad ako sa tapat ng room nina Areum. Maaga kaming pinalabas ng adviser namin kaya dumiretso na ako dito bago pa dumami ulit ang mga tao sa hallway.

Biglang bumukas ang front door ng classroom nila at bumungad sa akin ang homeroom teacher nila. Agad akong nag-bow sa kanya.

Sumilip ako sa may bintana ng classroom nila at hinanap ang presensya ni Areum.

Mukhang seryoso silang nag-uusap ni Inhong..

Anong meron?

AREUMI'S

"Hindi ko naman sinabi 'yon para magustuhan mo din ako pabalik.. Gusto ko lang talaga na ipaalam sayo kung ano 'tong nararamdaman ko."

"Ayos ka lang?" napalingon ako sa kasama ko, hindi na si Inhong kundi si Junghwan. Ngumiti lang ako at saka tumango sa kanya.

Hindi ko maiwasang isipin yung sinabi ni Inhong kahapom sa chat at kanina sa room. Hindi na din siya sumabay sa amin pauwi dahil sakin.

Sa totoo lang, hindi ko masagot yung pag-amin na ginawa ni Inhong. I mean, oo, mabait siya at maasahan parati. Noong wala si Junghwan, isa siya sa mga sumama sakin para hindi ako mag-isa. Sa kanya din ako nag-sheshare ng mga nararamdaman ko tungkol kay Dahyun at Junghwan.

Ayoko siyang i-reject pero paano? Kaibigan ko lang naman talaga siya..

Kahit na anong gawin ko, si Junghwan pa din yung nandito.

"Areum.." biglang tawag sakin ni Hwan mula sa likod.

"Hm?"

"Diba may sasabihin ka sakin." napatigil ako sa paglalakad ng ipaalala niya 'yon.

Shit.

"Ikaw! D-Diba may sasabihin ka din? Sabi mo nga importante yung sasabihin mo.. Bakit hindi mo pa sinasabi sakin ngayon?" palusot ko.

Siya muna uy, kukuha muna ako ng lakas ng loob mula sa kung saan man dito.

"Ladies first." at saka siya ngumiti sa akin ng nakakaasar.

Parehas na kaming nakatigil lang dito sa may tabihan ng street na nilalakaran namin tuwing uwian. Tinitignan niya lang ako na naghihintay sa sasabihin ko.

Nakaramdam naman ako ng hiya dahilan para mag-init ang pakiramdam ko. Nyeta, hindi pa ako nag-coconfess pero namumula na agad ako amp.

"A-Ano kasi.."

"Ano?"

Umayos ako ng tayo at huminga ng malalamin. Kalma Areumi, si Junghwan lang 'yan, yung dahilan kung bakit napaka-rupok at torpe mo ngayon. Oo, siya lang 'yan, no big deal!

Tumingin ako ng diretso kay Hwan at..

"So Junghwan. I like you, hindi lang bilang isang kaibigan.. Pero bilang isang lalaki." agad kong naramdaman ang panghihina ng tuhod ko pagkatapos kong magsalita.

Mukhang hindi naman makapaniwala ang reaksyon niya sakin.. Good thing ba 'yan o hindi?

"A-Alam kong weird na gusto kita higit pa sa isang kaibigan o ano, pero sana.. Sana walang magbago sa ating dalawa. Ayos lang naman kung hindi mo ako gustuhin pabalik dahil alam kong gusto mo pa din si Dahyun kahit di na kayo M.U. kaya kung anong meron tayo ngayon, kuntento na talaga ako dito promise.. H-Hindi mo kailangang maging awkward tuwing kasama ako.. Ayoko maging ganon tayo.."

Andami kong sinabi pero tahimik pa din siyang nakatingin lang sa akin. Hindi tulad ng kanina, blanko na ang reaksyon niya at hindi ko maintindihan.

"S-Sorry.." tanging imik ko na lang.

Ilang minuto kaming nanatiling tahimik, biglang bumalik sa isipan ko yung importanteng bagay na sasabihin niya sakin mula kahapon pa. Sana lang, sabihin niya pa din sakin kung ano man 'yon kahit na nag-confess na ako sa kanya ng nararamdaman ko..

Mag-kaibigan pa din naman kami.

"Yung sayo.. Diba sabi mo may importante ka ding sasabihin? Ano 'yon..?"

"Areum.. Sinabi na ba sayo ni Inhong?"

"Si Inhong? Teka.. Alam mo?"

"Sinabi niya na ba?" ulit na tanong ni Junghwan pero hindi tulad ng kanina, lungkot na ang nakikita ko sa mga mata niya.

"O-Oo.."

Napatungo naman siya bigla at rinig ko din ang pag-buntong hininga niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa presensya ko..

At niyakap ako ng mahigpit.

At niyakap ako ng mahigpit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

AHSHSHS sorry na ;(

LOVE MAZE 'ʲᵘⁿᵍʰʷᵃⁿTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon