✧ 028

340 27 15
                                    

12:28 pm

Daejung
hoy babaita

Daejung
kanina ka pa nakasimangot diyan,
may balak ka bang kumain huh

Daejung
tumayo ka na diyan, pumunta na
tayong cafeteria

Areumi
wala akong gana

Areumi
sabay ka na lang kayna jeongwoo

Daejung
NO THANKS

Daejung
ayokong lagi na lang kami inaasar
ni jeongwoo ng mga katropa niya
no

Daejung
tara na! nagugutom na akoooo

Areumi
wala nga akong gana😫

Areumi
ayoko din umalis ng room, baka
makita ko si junghwan kasama
si dahyun

Daejung
parang di ka naman na nasanay

Seen 12:31 pm

Daejung
saket, na-seen ako shet </3

Areumi
aamin na 'yon kay dahyun ngayong
araw, sinabi niya sakin kahapon

Daejung
ha

Daejung
puta?

Daejung
ano sinabi mo??

Areumi
edi syempre, pinalakas ko lalo loob
niya hshshshs

Daejung
tanga mo.

Areumi
SORRY NA OK??😭

Areumi
wala naman talaga akong maga-
gagawa kundi suportahan na lang
siya sa magkakapagpasaya sa
kanya

Areumi
bestfriend nga lang ako diba?

Daejung
GAGA! DAPAT NGA IKAW MUNA
'TONG UMAMIN KAY JUNGHWAN!

Daejung
ilang taon ka na nga ulit may gusto
sa kanya?

Daejung
ah, LAMPAS TATLONG TAON
LANG NAMAN

Daejung
pakiramdam ko nga higit pa sa
gusto 'yang nararamdaman mo
para kay junghwan eh!

Areumi
bakit ka galit ㅠㅠ

Daejung
KASI ANG TANGA MO

Daejung
nag-iisang kaibigan na nga lang
kita tapos tanga ka pa🤦‍♀️

Areumi
ang sama mo!

Areumi
hindi ba pwedeng mabait lang ako?

Daejung
EWAN KO SAYO!

Daejung
nung nagsabog ba ng katorpehan,
nagdala ka pa ng timba?

Daejung
kasi mukhang sinalo mo lahat >:(

Areumi
hshshs, siguro?

Seen 12:35 pm

Areumi
sorry na uy.. para kay junghwan
lang din naman yung ginawa ko..

Daejung
'yun na nga eh

Daejung
puro ka na lang junghwan, puro
na lang 'yung nararamdaman
ni junghwan' ganito ganyan

Daejung
eh ikaw? paano ka, ha?

Daejung
paano naman 'yang
nararamdaman mo para sa
kanya?

Daejung
ano, magkukunwari ka na lang
ba na hindi mo siya nagustuhan?

Daejung
parati mo na lang itatago sa
sarili mo 'yang pagka-gusto mo
kay junghwan?

Seen 12:37 pm

Areumi
oo..

Areumi
wala naman akong choice diba?

Areumi
para saan pa yung pag-amin ko,
kung may iba na din naman siyang
gusto?

Areumi
sabihin ko man sa kanya o hindi,
iisa lang naman ang mangyayari

Areumi
masasaktan pa din ako sa huli.

grabe yung hugot, damang-dama ko―chos

LOVE MAZE 'ʲᵘⁿᵍʰʷᵃⁿTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon