Chapter 23

21 5 0
                                    

Jayhen POV

Ilang buwan na ang nakalipas simula nung manligaw sa 'kin si Mark, and this is it pancit. Malapit na 'yong kaarawan niya. December 30 kasi 'yong kaarawan niya at December 10 pa lang ngayon pero plinano ko na 'yong ireregalo ko sa kaniya. Napag-isipan ko na sasagutin ko siya at exactly at his birthday. Gusto kong sumaya siya sa araw ng kaarawan niya. Sobrang bilis nga, e, kasi 23 niya na sa December. Ang tanda niya na, char.



Pumunta ako sa mall at naghanap ng pwedeng iregalo sa kaniya, tingin lang ako nang tingin pero wala pa rin akong matipuhan. Hanggang sa napadpad ako sa mens cloth. Napako 'yong tingin ko sa damit na sobrang ganda. Black siya at may nakalagay na "Officially Yours". Napangiti tuloy ako ng wala sa oras, tinanong ko 'yong sales lady kung magkano 'yon and she said 2k lang naman daw kaya kinuha ko na. Umuwi rin ako agad pagkatapos no'n.



Nandito na ako ngayon sa kwarto, pinag-iisipan ko pa kung ano 'yong pwede ko pang idagdag na panregalo sa kaniya. Napatingin ako sa pinto nang bumukas 'yon at pumasok si Mama.


"Anak, malapit na pala 'yong birthday ni Mark, kailan mo ba siya sasagutin?" Napatingin naman ako kay Mama at nginitian siya.

"Sa birthday niya, 'Ma, kaso nag iisip pa nga ako kung ano 'yong pwede kong iregalo pa sa kaniya. Nakabili na kasi ako ng damit sa mall pero gusto ko sanang dagdagan pa." Pinakita ko rin kay Mama 'yong damit at napangiti siya.

"Alam mo ba, anak, ganiyan din 'yong niregalo ko sa Papa mo noong sasagutin ko na siya." Nagulat ako sa sinabi ni Mama. Like seriously? Weh? Hindi nga?


"Talaga, 'Ma? Seryoso ba?" Hindi talaga ako makapaniwala.

"Oo naman, anak, tsaka kahit 'yan lang ang iregalo mo sa kaniya basta alam niyang mula sa taong mahal niya, matutuwa 'yon." Niyakap ko agad si Mama nang mahigpit. Magaling talaga siya about sa love. I don't know kung hugotera ba Mama ko rati or what, LOL.

"Thank you sa advice, 'Ma."

"Walang anuman, anak, basta kapag sinagot mo na siya, dapat sincere ka. Ipakita mo sa kaniya na mahal na mahal mo siya, hindi 'yong napipilitan ka lang dahil alam mong mahal ka niya." Tumango ako bilang tugon. Lumabas na rin si Mama pagkatapos no'n.



Ilang buwan na ang lumipas pero wala pa ring nagbabago kay Mark, lagi siyang naglalaan ng mahabang oras para sa 'kin. Lagi niya akong sinusurprise. Lagi niya pa akong pinapasaya dahil sa mga simpleng bagay na ginagawa niya.

And finally this is it, December 30 na.

Hindi ko alam kung bakit gabi magaganap 'yong birthday ni Mark, may paparty raw kasi pero 'yong mga malalapit na kaibigan at relatives lang ang imbitado.

Tumingin ako sa oras at 5 na ng hapon. Pumasok agad ako sa Bathroom para maligo. I'm so excited.

Namili ako ng magandang damit sa closet ko. Napatingin naman ako sa damit na niregalo rati sa 'kin ni Papa, black siya pero off shoulder na dress. Ewan ko ba kung siya ba talaga bumili no'n. Tsaka hindi naman hilig ni Papa magshopping at bumili ng damit namin, pero nakakatuwa pa rin talaga kapag nag-effort 'yong mga mahal natin sa buhay.

Nilugay ko naman 'yong buhok ko at kinulot sa dulo.


6 pm na ng matapos akong mag ayos. Sakto naman kasi kumatok na rin si Mama sa pintuan ko na pupunta na raw kami. Bale lima kaming pupunta, si Vince, Shin Cei, Mama, Papa and of course ako.

Ilang beses akong napabuntong hininga nang makarating kami sa labas ng bahay nila Mark. Kinakabahan kasi ako. Nilalamig na nga 'tong kamay ko sa kaba. Hanggang sa naramdaman kong hinawakan ni Mama 'yong kamay ko. "Relax, anak, okay? Huwag kang kabahan." Niyakap ko ulit si Mommy dahil sa sinabi niya.


STILL YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon