Chapter 17

19 5 0
                                    

Mark Kean POV

Ako 'yong nagdradrive habang papunta kami sa mall para bumili ng kakailanganin namin mamaya. Sa passenger seat naman si Jayhen at sa backseat si Baby Shin Cei.


Napangiti ako nang maisip ko na para kaming masayahing pamilya tapos baby namin si Shin Cei. LOL. Imagination mo ang limit HAHAH krimstix, pfft just kidding.



"Anong nginingiti mo riyan?" Sumulyap ako sa kaniya at nakita ko siyang nakasimangot na parang nakangiti. Tss. Mga babae talaga hindi maintindihan 'yong ugali.

"Wala naman."

"Tss. Baliw."

"Pfft, hindi ako baliw, pero kung ikaw naman 'yong mag-aaruga sa akin sa mental hospital, handa akong maging baliw." seryosong sabi ko kay Jayhen.



"Yiieeee, Mommy. Love love ka ni Kuya Mark." Napasulyap ako kay Shin Cei dahil sa sinabi niya at nakita ko siyang ngiting ngiti habang nakatingin sa aming dalawa ni Jayhen. Pfft, cute.

Sumulyap naman ako kay Jayhen at nakita kong pulang pula 'yong mukha niya.

Wew! Sign na ata 'to na may pag asa pa ako sa kaniya. Thanks to Tita.


"Stop it, baby Shin Cei! Hindi ako natutuwa." Pagsusungit ni Jayhen kahit halata namang pulang pula pa rin ang kaniyang mukha dahil sa akin.


"Asus! Kunwari ka pa, Mommy. Kwine-kwento mo nga si Kuya Mark sa akin dati, eh." Nagulat ako dahil sa sinabi ni Shin Cei, hindi ko inakala na kwine-kwento niya pala ako sa iba. Pfft, akala ko wala na siyang pakealam sa akin.


Tumingin ako kay Jayhen para sana tanungin kung totoo 'yong sinabi ni Shin Cei pero umiwas agad siya ng tingin sa akin.

Nakarating na kami sa mall kaya pinark ko na muna 'yong kotse. Nauna na akong bumaba para pagbuksan si Jayhen, sunod naman si Shin Cei.

Buhat buhat ko si Shin Cei habang nasa tabi ko naman si Jayhen. Papasok pa lang kami sa grocerry para mamili nang kakailanganin.

Kumuha naman ako ng cart at inilagay roon si Shin Cei. Tuwang tuwa naman siya kaya napangiti kami ni Jayhen.

Ako 'yong taga tulak ng cart at si Jayhen naman ang taga lagay ng mga kakailanganin namin mamaya.

Habang pinagmamasdan ko si Jayhen na naglalagay ng mga kakailanganin sa cart, bigla akong napangiti, para kasi kaming mag asawa tapos baby namin si Shin Cei. Hanep ng imagination ko.


Tulak tulak ko 'yong cart habang pinagmamasdan si Jayhen nang may biglang nagsalita sa tabi ko.

"Alam mo, Iho, kitang kita ko na mahal na mahal mo 'yang dalagang yan, huwag mo na siya hahayaang mawala sa 'yo. Pahalagahan mo siya, 'wag mo akong gayahin na pinakawalan ko 'yong taong mahal ko." Mahabang sabi ng matanda, may kakaibang lungkot rin ang kaniyang mata habang sinasabi iyon.



"Hindi ko po siya papabayaan, Lola." Tumango 'yong matanda at ngumiti bago naunang maglakad sa amin habang tulak tulak ang cart niya.

Tinulak ko na ulit 'yong cart kasi nauna nang maglakad si Jayhen. Pfft, ngayon ko lang napansin na nakatulog na pala si Shin Cei sa Cart, agad ko siyang binuhat habang tulak tulak ng isang kamay ko ang cart.


Pabalik na kami sa kotse habang buhat buhat ang binili namin. Pinabuhat ko muna si Shin Cei kay Jayhen dahil medyo mabigat ang mga binili namin. Hindi ko naman kayang pagsabayin silang buhatin.


STILL YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon