Chapter 1

91 8 3
                                    

Jayhen POV

"Will you be my girlfrend?" Omg is it true? Tinatanong ako ni  Lysander Callahan kung pwede raw ba akong maging girlfrend niya. Yes na agad.

"Yesss! I'm willing to be your girlfriend." Aarte pa ba ako diba? Eh si Lysander na 'to o should I say ang lalakeng pinapangarap ng mga kababaehan.

"Anak, gising na!"

"Ay etits!" Napabulagta tuloy ako dahil sa sinabi ni Mama, takte ano ba 'yan, wrong timing. 'Yon na eh, magkakaapo na siya tapos binulabog niya pa, sa panaginip na nga lang nangyari, nasira pa. Siguro 'yon na talaga 'yong sign na hindi na ako magkakaboyfriend.

Nakasimangot ko tuloy siyang hinarap, eh sa nabwibwisit ako, magiging boyfriend ko na si Lysander my luvs tapos bigla niya akong gigisingin. Gosh! Remind me later na sasampalin ko si Mama, charot lang, mahal ko si Mader earth kahit bungangera.

"Hoy, Senyorita! Ba't ka nakasimangot diyan? Anong problema mo?! May pa etits etits ka pang nalalaman. Ikaw talagang bata ka napakabastos ng bunganga mo." Ako pa ngayon ang bastos, siya nga 'yong bigla na lang mang-iistorbo ng tulog. Minsan ang gulo talaga ni Mama kausap, gosh. Parang ang sarap tuloy bumili ng bagong Nanay sa shopee.

"Eh kasi naman, Ma, inistorbo mo ang tulog ko. Ang ganda pa naman ng napanaginipan ko, 'yon na 'yon eh. Boyfriend ko na si Lysander kaso ginising mo pa 'ko." Kainis talaga!

"Ikaw talagang bata ka, pati ba naman sa wattpad naniniwala ka na, kaya sinasabi ko na sa 'yo rati pa na tigil-tigilan mo na 'yang kakawattpad mo!"

Bungangera talaga si Mama, ang sarap tuloy niyang supalpalin ng tissue. Pati wattpad ko dinamay. Damay ko rin kaya Wordscape at Candy crush na nilalaro niya. Kaasar lang!

Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay lumabas na 'ko ng kwarto.

"Ma! Allowance ko?"

"Hindi ka pa kumakain ah, bakit allowance kaagad ang hinihingi mo?" Ano ba yan, papatagalin pa, bakit hindi na lang ibigay 'yong allowance ko.

"Ma, busog na kasi ako." Naasar na sagot ko. Grr.

"At ano namang kinain mo, aber?"

Si Lysander, Ma! Ang sarap niya, sobra. Chos! Alangan namang sabihin ko 'yan. Edi sinabihan pa 'kong malandi ni Mader dear.

"Sermon, Ma. 'Yan 'yong kinain ko kaya ako nabusog ngayong umaga." Dami pa kasing sinasabi, eh bibigyan din pala ako ng baon.

"Ma! Bakit 100 lang baon ko?" Aba kulang pa 'to, imagine pangrecess ko 50 tapos pang tanghalian ko 50. Edi ano pang natira?! Gosh, stress niya boobs ko.

"Hoy, babaeta! 'Yong ibang bata nga riyan 20 pesos lang nakakapasok na, samantalang ikaw 100 pesos na nagrereklamo ka pa." Sabi ko na sa inyo eh, bungangera talaga Mama ko. Aba, kung hindi lang niya 'ko hinahatid sa school gamit ang kotse namin, magwawalk out talaga ako. Para naman mataray pagka-exit ko diba? Gosh.

"Ma! Ang tagal mo namang magbihis!" Sigaw ko sa kaniya, kanina pa kasi ako naghihintay rito sa labas ng kwarto niya. Kulang na lang amagin ako sa kakahintay, e.

"Sandali na lang." Sandali raw pero halos amagin na ako sa tagal niya, feel ko tuloy nadaganan na siya ng langgam o kaya naman kinapalan niya 'yong make up niya. Ang hirap naman 'pag may ganito kang Nanay, sobrang tagal magbihis. Ang kering keng pa, sobra. Akala mo teenager kung umasta, dinaig pa ako.

"Ma, ang kapal naman masyado ng blush on mo, parang floor wax at 'yang lipstick mo, Ma, parang pang patay! Tapos hindi pa pantay." Call me mapanlait but I don't care, I'm just telling the truth. Ika nga nila, truth hurts.

"Ikaw talagang babaeta ka! Pati make up ko pinapakialaman mo." Napairap tuloy ako nang palihim. See, told you, ganiyan talaga kami magbangayan ng Nanay ko.

"Hoy, babaeta. 'Wag mo nga akong ma-roll eyes roll eyes dahil mag dadate pa kami ng Daddy mo mamaya." Oo nga pala, darating mamaya si Papa galing Singapore dahil may ginawa siya roon about business, pero kadiri talaga 'yong endearment nila. Sweetheart? Yuck! Kadiri! Sobrang baduy.  Aishh, ang bitter ko talaga. Pinaglihi ata ako ng ampalaya.

Naihatid na ako ni Mama sa tapat nang school namin o should I say sa HCJM isang private school na ang may kaya lang ang pwedeng mag aral. Pero sulit naman ang binabayaran ni Mama dahil maganda naman talaga ang school na 'to. 'Yon nga lang ang mahal ng tuition, pero keribels naman ni Mama ang tuition ko dahil kung hindi niya ako pag aaralin sa school na gusto ko, ipapatapon ko lahat ng make up niya, ang mamahal kaya ng mga make up ni Mader ert.

Natapos ko nang tignan ang lahat ng grade 10 section, except doon sa 4th Floor, 'yong dalawang section na 10-courteous at 10-generous.

Pagkatapat na pagkatapat ko sa 10-courteous may nakita akong papabels na pumasok doon, kaya tiningnan ko kaagad 'yong papel na nakadikit sa pader pero wala 'yong pangalan ko. Tss. Ano ba 'yan! Sayang, ang gwapo pa naman. Nahawaan na ata ako sa pagiging kering keng ni Mader dear. Ika nga nila, like mother, like daughter. Chos!

Lumipat na ako sa 10 -generous dahil 'yon na lang ang natitirang section na 'di ko pa nakita, wala ng tingin tingin sa pangalan na nakadikit sa pader, deretso pasok na agad, kasi naman imposible na kung wala pa rin 'yong pangalan ko roon. And to my surprise kaklase ko na naman si Trisha Ramirez, sana naman may matututunan ako kapag katabi ko siya, paano ba naman kasi lagi kang dadaldalin niyan kahit meron ng teacher, hanggang sa mapipilitan ka na lang makinig sa mga kwento niyang wala namang kwenta. Gosh. Puro kaharutan niya lang kwinekwento niya.

Natapos na ang pagpapakilala namin pero ni isa wala man lang akong naging crush, ano ba 'yan! Hanap nga ako ng gwapo mamaya sa kabilang section, pero syempre isasama ko na si Trisha, ayaw ko namang mapahamak ng mag-isa.

"Besh, alam mo bang may nakita akong papabels kanina?!" Sabi ko na nga ba at  wala akong matututunan kapag katabi ko siya. Pasalamat siya introduce yourself lang ang gagawin namin, kung hindi ipapatapon ko talaga siya sa Mars.

"Sino na naman ba 'yan?" Curious naman talaga ako kung sino 'yong papabels na sinasabi niya. Dahil noong grade 9 kami puro papabels lang talaga hanap niyan at lahat 'yon gwapo talaga.

"Siya 'yon, besh oh." Ininguso niya sa akin 'yong lalaking nakita ko kanina na gwapo.

"Saan nga ulit? Pakihanap." Pag uulit ko.

"Siya nga 'yon, besh." Itinuro niya ulit sa akin 'yong lalake kanina.

"Hindi 'yan 'yong sinasabi kong pakihanap!" sabi ko bago inikutan siya ng mata.

"Eh, ano?"

"'Yong pake ko! Tss." Makapag-walk out na nga, nakakainis, eh. Pati ba naman crush ko, crush niya rin. Kaasar! Pitong billion ang  tao sa mundo tapos pareho pa kami ng gusto. Pwede namang arabo na lang 'yong gustuhin niya, o hindi kaya kahit sino na lang, huwag lang 'yong crush ko.

STILL YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon