Chapter 9

26 6 0
                                    

Jayhen POV

Nakasakay na kami sa sasakyan ni Mark pauwi, napapaisip lang ako kung bakit may licensya na siya, eh 16 niya pa lang. Oh don't get me wrong. Hindi ako stalker, sinabi lang sa akin ni Trisha the Chismosa, char.



Naputol lang ang pagmumuni muni ko ng bigla akong kalabitin ni Sasha dahil parehas kaming nasa back seat.

"Ate, gusto mo bang ireto kita kay Kuya?" No way! Ano ako jowang jowa? Reto talaga? Wala na bang ibang descent words? Like, Ate, gusto mo bang maging kayo ni Kuya? Or gusto mo bang kayo ni Kuya ang magkatuluyan? Chos!

"Eh?" Nagbubulong bulongan lang kaming dalawa. Nasa harap kasi si Mark, buti na nga lang malakas 'yong patugtog niya kaya hindi niya kami naririnig.


"Sige na, Ate. Please?" Tumango na lang ako nang pilit kahit parang bugaw 'yong ginagawa niya. Aarte pa ba kasi ako? Of course hindi na. Duh, blessing na tapos tatanggihan ko pa ba? No way!





Mark Kean POV

Nagpapalit na ako ng sapatos ng may kumatok sa labas ng pintuan sa kwarto ko.

"Come in." ani ko bago pinagpatuloy ang pagtatanggal ng sapatos ko.

"Hmm, Kuya, pwede magtanong?" Tumango naman ako bilang tugon.

"Kuya, possible bang magkagusto ka kay Ate Jayhen?" Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya. Ano na naman kayang pumasok sa kukote ng kapatid ko? Pero still sasagutin ko pa rin 'yong tanong niya.


"Oo naman, siya kasi 'yong tipo ng tao na madaling kausap at masaya kasama." Napangiti ako habang iniisip siya, she's so funny to be with. Damn, what I am thinking? Stop that, self. Si Kirsten lang 'yong nagpapasaya sa 'yo, oo tama, si Kirsten lang.


"Jinja?" Aba't! Ano na naman pinagsasabi ng kapatid ko? Anak ng! Jinja? Ano 'yon, ninja?

"Anong jinja?" Amputa, mukha ba akong taga ibang bansa para maintindihan 'yong pinagsasabi niya.


"I mean really, Kuya, magkakagusto ka talaga sa kaniya?"

"Oo naman, little sis, actually gusto ko na nga siya eh pero--," Bitin ko sa sinasabi ko at nakita ko siyang kumunot ang noo "Pero?" She suddenly asked. "Hanggang kaibigan lang."


"Hanggang kaibigan lang ba talaga, Kuya?" Ano na naman kayang naisip nito?Baka mamaya binibigyan niya na naman ng malisya 'yong kabaitan ko kay Jayhen. Tss. Sinasabi ko na nga ba.


"Oo naman, little sis. Pero bakit mo nga ba natanong?" Kanina pa ako nagtataka, minsan lang kasi siya magtanong sa akin ng ganiyan.


"Wala naman, Kuya, curious lang." Nakahinga naman ako nang maayos dahil doon, dati kasi minatch mate niya ako sa babaeng hindi ko kilala, hindi ko nga alam kung siraulo ba 'tong kapatid ko o sadyang lahi lang namin ang abnormal, I mean siya lang pala.


"Sige, Kuya, tulog ka na. Sleep well." aniya bago lumapit sa akin sabay halik sa pisnge ko.


"You, too." sabi ko bago humiga sa aking kama.






Sasha POV

"Ate, talaga bang suko ka na? Gano'n gano'n na lang 'yon? Hindi mo ipaglalaban?" Kwinento ko kasi kay Ate Jayhen ang lahat ng sinabi ni Kuya, para naman updated siya sa buhay ni Kuya 'di ba.


STILL YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon