Chapter 18

26 5 0
                                    

Mark Kean POV

Hapon na kaya magsisimula na ang pool party. I expect a lot of people na pupunta pero kaunti lang pala.

Kami kami lang din, inanyayahan din pala nila 'yong parents ko kaso hindi sila nakapunta dahil may inaasikasong emergency 'yong parents ko. Tss. Ano pa nga bang bago, e lagi namang busy 'yong parents ko. Believe nga ako sa kanila dahil hindi sila nawawalan ng oras pagdating sa amin ni Sasha. And about kay Sasha, nandoon na siya sa Amerika ngayon, actually medyo matagal na nga 'yong nakalipas, e.

Nasa ibang table 'yong mga babae at nasa ibang table rin kami.

Nagiinuman kaming mga lalake habang 'yong mga babae ay naliligo sa swimming pool.

"Tol, balita ko mahal mo raw 'yong pinsan kong si Jayhen, totoo ba?" Seryosong tanong ni Vince. Yeah, nakilala ko siya kanina. Medyo tropa tropa na kami.


"Oo, tol, kaso hindi ko pa alam kung anong gagawin ko. Medyo mahirap siyang pormahan, todo iwas pa nga siya sa 'kin."  sabi ko bago uminom ng alak. Medyo mainit siya sa lalamunan pero okay lang.


"Alam mo, Vince, medyo may pagka-torpe talaga 'yan si Mark kaya bigyan mo nalang ng advice." Singit naman ni Tito Hence.


"HAHAHA okay lang 'yan, tol. Basta suyuin mo lang siya nang suyuin. Ipadama mo 'yong pagmamahal mo sa kaniya. Lagi ka man niyang sinusungitan, alam kong mahal ka pa rin no'n. Tss. Ganiyan din sa 'kin 'yong asawa ko rati," Napatigil siya at nalungkot bigla, "Basta tatagan mo lang 'yong loob mo, huwag mong hahayaan na mapunta sa iba 'yong taong mahal mo. Kung kailangan mong gawin lahat para makuha siya ulit, then do it." Nakinig akong mabuti sa sinasabi ni Vince, dahil tama siya. Pfft, parehas sila ni Tito Hence na magaling magpayo. Hindi kagaya ng mga tropa ko na alam lang mang-gago.



"Salamat sa payo, tol."

"Walang anuman, tol. Basta ingatan mo 'yong pinsan ko ah. Kundi ako mismo sasapak sa 'yo." aniya bago uminom ng alak.


Nagkakatuwaan lang kami tapos kwentuhan. Sa totoo lang masaya silang kasama. Mararamdaman mo na belong ka talaga kahit ngayon ko lang nakilala si Vince.


Medyo nalalasing na rin kaming tatlo, pero sige pa rin kami sa inuman. Pfft, natatawa lang ako, may ganitong side rin pala si Tito Hence at Vince, 'yong magaling sila magbiro. Hindi ka talaga mawawalan ng topic kapag sila kasama mo.


Nag-aasaran at nagtatawanan kami nang pumunta sa harapan namin si Jayhen na may hawak na cake at Juice.

Napatulala ako dahil sobrang ganda niya ngayon, I mean araw araw naman siyang maganda. Damn! She's so beautiful. I can't imagine na balang araw iba 'yong kasama niya dahil mas pipiliin ko pang mamatay kung mangyayari man 'yon. Simula ngayon gagawa na ako ng hakbang para mapasaakin siya. I badly want her, only her. Ipaparamdam ko sa kaniya na totoo ang forever. Lol, ganito pala kapag inlove, nagiging corny. HAHHA.



Napabalik lang ako sa huwisyo nang magsalita si Vince.

"Nako, tol, baka matunaw si Jayhen niyan. HAHHAHA." Humagalpak pa siya ng tawa.

"HAHHA sinabi mo pa, Vince." Dagdag naman ni Tito Hence.

Tumingin ako kay Jayhen ng ilagay niya 'yong cake at juice sa table namin. Kitang kita ko 'yong pamumula ng pisnge niya.

"Ah Vince, Pa, pinapahatid pala ni Mama." sabi ni Jayhen ng hindi tumitingin sa 'kin. Ganoon na ba talaga siya kainis sa 'kin at hindi niya man lang ako magawang tignan?

STILL YOU [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon