Ang populasyon ay pagkadami-dami
Nangangailangan ay kay rami-rami
Maunlad nabuhay ay inaasam-asam
Na ang bawat tao ay dapat makamtam
Sa pang-araw-araw ay nagtutulungan
Nang sila'y makaahon sa kahirapan
Kababayan natin ay nang-ibang bansa
Upang kaginhawaan ay matamasa
Sa ating bayan ay tagalog ang wika
Tatas sa ingles ay laging nakahanda
Nakikipagsapalaran sa banyaga
Sa araw at gabi ay may ginagawa
Sikap at tiyaga ang puhunan
Para may maipadala sa tahanan
Pilipinas ang Bayan ko, Pinoy ako
Pinagmamalalaki ko kahit kanino
BINABASA MO ANG
Mga Tula
De TodoIto ay mga tula na dati ko pa sinulat, I just want to save it here. 🙂
