Linggo

349 1 0
                                        

Magandang sikat ng araw sa tuwina
Mahalimuyak na bango sa umaga
Ang mga tao ay magiliw at masaya
Sila'y nagkwekwentuhang kay aya-aya

Araw ng Linggo sila ay nagsisimba
Kapwa may dalanging bitbit sa isa't isa
Sila ay taos pusong nananalangin
Na bawat dasal nila ay bigyang dinggin

Linggo ang unang araw ng katoliko
Linggong misa ang gabay at sandata ko
Puso't isip ko ay may katiwasayan
Pakiramdam na gusto ng mamamayan

Linggong pagtitipon ay kay saya-saya
Lalo't sama-sama ang buong pamilya
Isang beses ang Linggo sa bawat Linggo
Ito'y hudyat ng maraming pagbabago

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon