Masayang mamuhay sa payak na mundo
Tahimik at hindi alintana ang gulo
Buhay probinsya ang kinasanayan ko
Marinduque ang pangalan ng bayan koTao rito'y masipag at matiyaga
Tilaok ng manok ang panggising nila
Abala sila sa trabaho sa bukid
Ang iba ay papalaot at sisisidAng bata dito ay nasa eskwelahan
Masiglang pumapasok sa paaralan
Bata ay pag-aaral ang pangunahin
Paghanda sa hinaharap na tungkulinSimpleng pangarap ay maunlad na buhay
Dalangin nila sana ay magtagumpay
Ang mga munting pangarap sana'y makamtan
Nang sila ay makapaglingkod sa bayan

BINABASA MO ANG
Mga Tula
RandomIto ay mga tula na dati ko pa sinulat, I just want to save it here. 🙂