Tanong ng marami, anong nangyayari?
Simpleng sagot wala namang mangyayari
Ang mga tao ay sumasabay sa uso
Unahin kaya nila ang pag-asensoAng mga kabataang uhaw sa pag-ibig
Ang edad nila ay nakakapanindig
Ano kaya ang kanilang nasa isip?
O malamang hindi sila nag-iisipNasan si Maria Clara na mahinhin?
Na pino ang kilos sa bawat gawain
Nasaan na si Pepe na maginoo?
Na laging handang makipagkapwa-taoItinuro sa atin ay kabutihan
Mukhang ito yata ay nakalimutan
Tayo'y matuto sa tamang panahon
Huwag sanang huli para makaahon

BINABASA MO ANG
Mga Tula
RandomIto ay mga tula na dati ko pa sinulat, I just want to save it here. 🙂