Tatay

284 2 0
                                    

Kilala bilang haligi ng tahanan
Tayo'y hindi niya pinababayaan
Ginagawa niya lahat ng paraan
Mabigay lang ang ating mga pangangailangan

Hirap at pagod niya ay alay sa atin
Upang mapaganda ang buhay natin
Tuwing mali ay pinapagalitan tayo
Upang itama at bigyan pa ng payo

Pasasalamat, hatid ko sa kaniya
Dahil sa amin siya'y nagtitiyaga
Ang pagod ay hindi niya inaalintana
Pagmamahal lang niya ay matamasa

Mga Tula Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon