Hindi pa man lang ako isinisilang
Meron na akong bayaning nakalaan
Sila ay ang mapagmahal kong magulang
Mula pagkabata lagi silang nandyanTulad din noong pagkabata ni Rizal
Sa aking ina, namulat sa pangaral
Tinuruan ding manalig at magdasal
Sa mahal nating pong diyos na maykapalSa tama, ay ako'y ipinaglalaban
Sa aking mali ay pinapagalitan
At tinatama upang aking malaman
Ng ako'y malayo sa kapahamakanHindi nila ako pinababayaan
Kami'y kanilang pinakaiingatan
'Pagkat bunga kami ng kanilang pagmamahalan
Sila'y aming bayani magpakailanman

BINABASA MO ANG
Mga Tula
RandomIto ay mga tula na dati ko pa sinulat, I just want to save it here. 🙂