Chapter 1

848 19 0
                                    

"anak!"  sigaw ng papa ko saakin, nag madali akong ilapag ang mga bitbit kong suman sa lamesa atagad nag punta kay papa

"bakit po pa? may masakit po ba?" nag aalalang tanong ko ,mahina ka kasi si papa at ang malala may sakit siya sa atay gustuhin man namin syang ipunta sa hospital ni mama kaso ayaw naman ni papa kaya dito nalang nag papahinga

"anna anak mahina na ako, hindi ko alam kung tatagal paba ako rito sa mundo, anak pabayaan niyo na ako ng mama mo nahihirapan na ako anak hindi ko na kaya, basta lagi mong tatandaan anak ha? na mahal na mahal ka ni papa" mahinang sabi niya saakin alam kong mahina na siya pero hindi, hindi ko kakayaning mawala siya ng maaga, bata pa ang papa ko wala pa siya sa edad na 70 pataas para mamatay ng gantong kaaga

"papa ano ba yang sinasabi niyo, tatagal pa kayo naiintindihan niyo po ba iyon? atsaka mag tratrabaho pa ako ng mabuti papa, pag pupursigihan kong maglako ng suman dito sa barangay naten, makaka bili ako ng gamot mo pa at gagaling ka mag tiwala kalang"

Matapos ang usapan namin ng papa ko inayos ko ang mga suman na ititinda ko dito sa barangay kaylangan kong maka benta ng marami para may pang bili ako ng gamot sa aking tatay

Palabas ako ng bahay ngayun upang dumeretso sa lugar kungsaan ako pumepwesto sa pag lalako, si mama nag tratrabaho siya sa palengke ng mga karne at kung ano ano pa, habang ako? dito sa barangay nag titinda ng suman at iba pang pagkain

Itinigil ko muna ang pag aaral ko  para makatulong kila mama at papa nakikita ko kasi silang nahihirapan na paaralin ako kahit sabihin nilang ayos lang ang totoo ramdam kong wala na silang maibigay na baon ko at pang kailangan ko sa eskwelahan bukod duon ay masyadong malayo ang eskwelahan namin dito sa probinsya kailangan mo pang mag lakad ng malayo at dumaan ng ilog para maka pasok ka hindi sapat ang kinikita ng mama ko dahil marami din kaming utang sa kapitbahay kaya ang nabebentahan nya sa pag titinda ng karne at isda ay ibinabayag nya sa mga utang namin.

"oh anna? kamusta kana? ang laki laki muna ha dalagang dalaga na" bati saakin ni manang lora, si manang lora ay kaibigan ng nanay ko noon bata palang ako ay lagi nya akong bibit at lagi siyang dumederetso sa bahay para bisitahin ako.

"medyo okay lang naman ho ako manang eto nag pupursigi mag tinda ng suman at ano pa para may ipambili sa gamot ni tatay may sakit ho kasi ang tatay kaya kailangan kopo maka ipon"

"may sakit si Berting!? ngayun lang nalaman anna, konti lang ang mapag bebentahan mong suman ana hindi sapat iyon, may alam akong trabahong pwede mong pasukan, malaki ang sahod mapapa tingen mo si berting sa doctor kapag naka ipon ka"

"naku manang baka mamaya bawal na trabaho yan ha?, ano ho ba yon? lahat gagawin ko para kay tatay at mama"

"umalis na kasi si elsa sa dating trabaho niya anna, isa siyang katulong sa bahay na pinag tratrabahuan niya malaki ang pinapasahod, ngayun kailangan nila ng bagong katulong pero wag ka mag alala hindi masusungit ang boss mo mabait sila"

Pero hindi ko kayang iwan sila mama at papa pano si papa kaaog wala si mama? walang mag babantay sa kaniya at isa pa walang mag aasikaso sa iniinom nyang gamot at kinakain nya, ako kaya kong umuwi saglit para puntahan si papa e si mama? malayo ang palengke mula dito hanggang bayan. Gustuhin ko mang sumahod ng malaki para mapa tingen sa doctor si papa pero iniisip ko ang kalagayan nya kapag mag isa lang siya, Napamahal na saakin si papa simula bata palang ako kaya hirap akong iwan siya. Oo papa's girl ako si papa kasi lagi ang kalaro ko nung bata at nasanay ako sakannya siya ang kasama ko lagi.

"uh manang? hindi na ho siguro wala ho kasing mag aasikaso kay papa at bukod don malayo din ang bayan dito para saglitin si papa dito sa bahay"

"Ganun ba anna? basta pag nag bago ang isip mo tawagan mo ako ha?" isinulat nya ang number nya sa papel at binigay saakin, hindi ko talaga alam may part saakin na tanggapin ko ito pero may part din saakin na tanggihan ko ito.

"Sigi manang salamat ho"

Naubos ang mga paninda ko kaya agad akong umuwi hapon na din kaya kailangan ko nang mag luto para sa hapunan.

Agad ako umuwi dito sa bahay nang maabutan kong naka higa si papa sa sahig at nang hihina na, Tumakbo ako sakannya at agad siyang itinayi at pinaupo sa upuan "pa ano ba? wag ho kayong umalis sa higaan niyo mag pahinga lang ho kayo" nag aalalang tanong ko iniwan ko muna si papa sa sala upang mag handa ng makakain dahil mamaya mays ay darating na si mama galing sa bayan

Makalipas ng ilang oras ay dumating na din si mama, inihanda ko ang mga plato sa lamesa at nilagyan nag makakain si papa, kumuha ako ng baso na maiinom at binigyan si papa kahit pagod ako, ako nalang ang gagawa ng trabahong bahay dahil alam kong mas doble ang pagod ni mama kesa saakin

"ma kamusta ho pag titinda?"

"okay lang anak heto masakit ang katawan damag naka tayo, saka lang nakaka tiyempong umupo kapag walang tao"


Aayusin na sana ni mama ang mga pinagkainan pero agad ko itong inagaw "ma ako na po" at tumango naman si mama ganun din ako nginitian nalang siya

Pag katapos kong hugasan ang mga pinag kainan nag shower ako at dumeretso sa kwarto haaaayy! nakakapagod bukas ang mag lalako nanaman sana maka rami ako bukas para maka bili na ako ng gamot ng papa, kulang kasi ang benta ko kanina kaya sana maka rami talaga ako bukas

Lord kailangan ko po maka benta tulungan niyo pa ako Amen.

I'm Inlove To Someone Who Can't Love me Back (on-going)Where stories live. Discover now