Chapter 4

45 8 39
                                    

The time stopped ticking.

Hindi pa rin naalis ang palaisipan na iyan. Ayan pa rin ang nasa utak ko hanggang ngayon. Wala akong idea if this just a hallucination or a dream, but I'll do what it takes para makaalis sa sumpang ito.

Cause this shit is creeping me out. Who wouldn't creep out?! Kumain lang naman kami, nagkaroon na nang barilan, na-hostage pa kami dahil sa katigasan ng ulo namin, at ang tagal pa dumating ng Tito ni Gia! Nagmukha pa akong pokpok dahil sa ginawa ko kanina but I was just buying time at naghahanap ng tiempo kung paano ko maagaw ang baril sa boss nila. Since he is the boss, siguro naman medyo magiging masunurin ang mga kasamahan niya sapagkat naging bihag ko siya subalit kabaliktaran ang nangyari! Kaya mas lalo akong naguluhan!

I prefer doing a pile of research stuffs rather than breaking bones and acting like a heroine or something. It's just not my thing!

Kahit na gulong-gulo na ang isip ko, mayroon pa rin akong dapat gawin. Walang ibang nilalang na gumagalaw dito kundi ako lang. Pero ano ang gagawin ko?! It's not like I'm someone who has supernatural powers na pwede kong ibalik ang pagtakbo ng oras.

I'm so weak at this point. I don't know what to feel right now. Confusion? Amazement? Fear? Sadness? Pity? I just... don't know! It's not like ginusto ko na mangyari ito.

If only I could turn back time, this shouldn't have happened.

"Livas."

Did I hear someone calling my name? Nababaliw na nga ba talaga ako? Kung kanina ay tumigil sa pagtakbo ang oras, now I am hearing voices out of nowhere?

Pero sandali... mayroon pang iba na nakakagalaw at this moment maliban sa akin? Ngayon ko lang napansin na may taong nakatayo sa harapan ko. Tanaw na tanaw ko ang nakayapak nitong mga paa. Bakit wala man lang siyang suot na slippers?

Dahan-dahan kong inangat ang aking ulo at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung sino ang nasa harapan ko.

"A- Adler?" I stuttered. Him again?!

I stared at him and observed him. Hingal na hingal siya, na para bang kay layo ng kanyang pinanggalingan at nagmamadali na makapunta sa lugar na ito.

Why is he here again?

He bent his knees to reach my height. Our heads were now even and I could still see him running out of breath.

"Are you okay?" Pero hindi siya sumagot. Nakatingin pa rin siya sa akin.

"Tu- tubig." Aniya kaya agad naman akong napatayo at mabilis na pinuntahan ang pwesto namin kanina, kinuha ko ang bottled water na hindi pa naiinom at inabot sa kanya. Nagmamadali naman siyang binuksan ito na para bang hindi siya nakainom ng tubig sa loob ng isang taon.

Dere-deretso lamang ang lagok niya at wala pang isang minuto, ubos na ang tubig at pinisil-pisil niya pa ang plastic bottle sa kagustuhang masimot ang tubig na laman non.

"Gusto mo pa ba?" I asked. Bakit kasi uhaw na uhaw ang isang 'to? Hindi ako nagdalawang-isip na kuhanin ang isa pang water bottle na pagmamay-ari ni Gia at inabot ko ito sa kanya.

"May bawas na-" Ngunit parang wala siyang pake kung may bawas na ba ito o hindi dahil agad niya rin itong tinungga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Thy Charm, AdlerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon