Pinapalibutan na ang paligid ng kadiliman. Sa hindi malaman na dahilan, ako ay nababagot. Natatakot para sa aking sarili. Ano ba ang magagawa ko? Sa pagkakaalam ko wala naman akong ginagawang masama sa kahit sino man.
Kaunti lang din naman ang mga kaibigan ko. Kumbaga bilang lang sa kamay ang mga taong pinagkakatiwalaan ko. Pero bakit pagdating sa gan'tong bagay, hindi ko masabi kahit isa man lang sa kanila?
Dahil nga sa katahimikan ng paligid, wala akong ibang naririnig na ingay kundi ang hangin na nagmumula sa electric fan lamang. Ewan ko ba. Kahit may aircon naman ako rito sa kwarto mas pinili ko pa rin ang gumamit ng electric fan.
Siguro dahil na rin sa kadahilanang kahit anong gawin ko, nanlalamig pa rin ang mga palad ko. Kung aircon pa ang gagamitin ko edi mas lalo akong nilamig diba? Nakakapanghina na iyon ng tuhod. Baka bigla na lang akong mahimatay sa sobrang lamig. May ganun bang cases? Hay, ewan ko. Nabo-bobo na ata ako.
It's now 02:00 AM in the morning and I am still awake. I can't even sleep. I've been overthinking lately. Wondering if all of this is just a dream of mine. Malay mo magising ako diba?
Not until I saw some silhouette that is behind the curtains. Para bang naubusan ng dugo ang buong katawan ko. 'Tila ba may sumipsip nito at dama ko ang malakas na pintig ng puso ko dahil sa kaba.
Kahit na may silhouette akong nakita, mas pinili kong balewalain na lang. Hinila ko ang aking kumot pataas upang itaklob iyon sa pagmumukha ko at nagpasya na matulog na lang. Ngunit kahit ako'y nakapikit, alam ko sa sarili ko na gising pa rin ang diwa ko. Kailan ba ako dadapuan ng antok, hah?!
Guni-guni mo lang 'yon. Masyado ka lang stressed kaya kung ano-anu na lang ang nakikita mo. It's just an imagination. An imagery. An image of the images. An image that was formed due to my imagination. Yes, an image. An unreal image. What?
"Hey."
"Oww, shit!"
Nang marinig ko ang boses na 'yon, napabalikwas ako sa kama! Sino ba naman ang hindi magugulat? Gabing-gabi and the fact na ikaw lang mag-isa na natutulog sa kwarto mo, tapos may biglang tatawag sa'yo ng, hey?!
Dahil nga sa kalikutan ko, bigla akong nauntog sa mismong headboard ng kama ko. Ouch.
"A-raaay..." reklamo ko. Duh, ang sakit kaya! Sinong 'di masasaktan sa gan'tong sitwasyon? Napahawak ako sa ulo ko at dahan-dahang minamasahe ang parte kung saan masakit.
"Nagmumura ka pala?" wika ng isang malumanay na tinig. Sandali nga lang. Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na ito.
At panigurado nga ako na hindi siya multo, sinindi ko ang lampshade na nasa aking bedside. Aba! Siya lang pala?! Itong lalaki 'to kahit kailan walang ibang ginawa kundi ang gulatin ako.
Magsasalita na dapat ako ngunit inunahan niya akong magsalita, "We don't have enough time to waste," seryoso niyang pagkakasabi.
"What do you mean?" I answered with a hint of confusion in my voice.
Nangalay na siya sa kaka-squat para lang kausapin ako kung kaya't lumipat siya sa tabi ko at umupo.
"They're here... again."
Napatigil ako sa paghihimas sa ulo ko at naguguluhang tumingin sa kanya. Teka, napa... napahinto ko na naman ba?
"Kung ano mang tumatakbo sa isip mo, oo. Tama ang hinala mo."
"But I didn't do anything," I muttered slowly. Napagawi na naman ang aking paningin sa aking mga palad. Nanlalamig ito at nanginginig. Namumutla rin ito na para bang sa sobrang putla aakalain mong may malala akong sakit. Napakalalang sakit.
He held my pale hands, enclosing it with his, making sure that I can feel his warmth. Trying to engage that he will protect me, even though his hands are just intertwined with mine.
I can feel his breathe as he spoke, "I know you're scared. But if we don't do anything to stop them, the Pesménos will continue harming an individual's life."
Dinig na dinig ang malalim na buntong hininga ko. Alam kong maski siya naguguluhan na rin sa sitwasyon namin ngayon pero mas naguguluhan ako.
Anong kinalaman ko sa mga pangyayaring 'to? Bakit ba sa lahat ng krimen sa mundo, dito pa ako nasangkot? And the problem is, I don't even know who my enemies are and who's plotting this huge crime.
Pesménos.
Makikilala ko rin kung sino man kayo. Kung nakatakda man na kayo'y aking makilala, nakatakda rin kung kailan kayo maaalis sa buhay ko.
It's just a matter of time.
———
V●ᴥ●V
BINABASA MO ANG
Thy Charm, Adler
FantasyA lady named Charmeine, known as Aemi, the only child, had an one ultimate goal in her life. It is to become a licensed cardiology physician. After her upcoming graduation in Senior High, the Livas family will migrate to New Zealand, having positive...