Just like my usual routine, pumasok na ako ng maaga sa school. As much as possible, ayokong magkaroon ng markang late sa card ko. Para sa akin, mas masaklap pa 'yon kaysa sa magkaroon ng line of 7 sa card. Kung pag-iisipan ng mabuti, aanhin mo ang pagiging matalino o magaling regarding sa field na pinili mo if lagi ka namang late? It's useless. Why? It would not benefit yourself and also the company that you are in. Iisipin lang ng mga 'yon, hindi ka kawalan dahil hindi lang naman ikaw ang may utak sa mundong 'to.
And just like what I expected, wala pang tao sa room. Ako na naman ang nauna sa kanilang lahat. That's why I was tasked to be the key holder of this room. I walked towards my designated armchair and placed my bag below me. Kinuha ko ang earphones at sinalpak ito sa cellphone na hawak ko. Listening to music is my remedy lalo na't kagabi pa ako nago-overthink ng mga bagay bagay.
Bakit kasi nandon si Adler? Anong kailangan non? 'Di naman kami close non kahit na matagal kaming magkakilala. He's not the friendly type guy. He is just so awkward with people. Anti-social? No idea. He has a friend though pero isa lang. Sa mga pagkakataon na naging kaklase ko siya, Q and A portion lang ang peg namin or related sa school stuffs then after that, we're strangers.
As I was scrolling through Twitter, someone entered the room na para bang nagmamadali. Lumingon ako sa kung sino man ang pumasok, nanlaki ang mga mata ko at sa madaling sandali ako ay kinabahan.
It's Adler.
Sino ang hindi kakabahan? The fact na hindi kami close and I saw him on the backyard last night, makes me wonder if he's stalking me. To be honest, it's creepy.
We were staring at each other for too long na siya na ang unang umiwas ng tingin. Aware sa kasalanan na ginawa niya sa'kin. I wanted to ask him but at the same time I was afraid. What if bigla akong i-rape nito? Sa tingin ko 'di naman siya ganoong klaseng tao ngunit hindi ko naman siya gaanong kilala.
He rapidly went to his seat at nilabas ang Contemporary Philippine Arts from the Regions book niya, then he roughly flipped through the pages para gawin ang assignment niya. Nilabas niya rin ang yellow pad niya upang makapagsulat siya ng kanyang dapat gawin.
I stared at his every move, not even thinking about that it's too awkward or absurd to do it. Ngunit iniwas ko rin 'yon nang bigla siyang lumingon sa direksyon ko.
This silence between us is killing me. Sa tingin ko, tama namang komprontahin siya sa ginawa niya. It's his mistake. Maari pa nga siyang kasuhan ng trespassing.
May pumasok ulit sa room and when I glanced to know who it is, I'm slightly shocked.
"Yow! Morning Aliz!" Pangbabati ni Aly sa'kin at inalog pa ang ulo ko, kaya pinalo ko ang kamay niya pero tumawa lang siya. Baliw.
Kahit anong lakas ng music na pinapatugtog ko, mas lumalamang pa rin ang boses niya na akala mo'y nakalunok ng megaphone. Nung narealize ko yung tinawag niya sa'kin, sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan lang ako.
"Aga, 'ah." I complimented him. Because like me, mas pinipili niya rin na pumasok ng maaga.
"Of course. Ganon talaga kapag gwapo, pumapasok na ng maaga. Diba pre?" Aly chuckled and glanced at Adler who is still busy writing.
This day is just a typical one. Hinihintay ko na lang ang tunog ng bell para makapag-lunch na kami. Kasi sa totoo lang, gutom na ako.
Magdidiwang na sana ang buong klase nang tumunog yung bell kaya lang si Ma'am Dayag, hindi pa nagdidismiss bagkus may sinulat pa sa whiteboard at nag-atas sa mga group leaders para sa reporting ulit bukas. Buti na lang 'di ako yung leader sa grupo namin sa Media and Information Literacy.
BINABASA MO ANG
Thy Charm, Adler
FantasíaA lady named Charmeine, known as Aemi, the only child, had an one ultimate goal in her life. It is to become a licensed cardiology physician. After her upcoming graduation in Senior High, the Livas family will migrate to New Zealand, having positive...