Simula

71 6 0
                                    


Nasa kalagitnaan nang discussion si Ma'am ng may kumatok sa pinto, siya ang first subject namin sa araw na ito Oral communication.

Bumungad doon ang maliit na babaeng nahihiya pang ngumiti kay ma'am Esguerra, napakunot naman ang noo ko sa kaniya.

Second day of class late?

Bagkus 'man ay nakakahiyang malate maganda pa ang tindig nito sa harap naming lahat, punong-puno siya ng confidence sa buong katawan walang bahid na pagsisisi dahil sa nalate nga siya.

Wala nang available na upuan kaya doon siya pinaupo sa upuan na pinang harang ni ma'am sa pintuan para hindi ito sumarado, umupo siya doon nakaharap samin. Pinupuna 'man ni ma'am ang kaniyang pagkalate ay nakikitawa lang siya at hindi na iyon pinansin.

Itinuloy na ma'am Esguerra ang pagtuturo na naudlot dahil sa nalate kong classmate.













Breaktime na at dali-dali namang nagsilabasan ang mga kaklase ko, ang haba rin kasi ng oras bago magbreaktime kaya nakakagutom talaga.

"Nakakahiya pala malate! hahaha" kwento noong kaklase kong babae na sasaksakan ng confidence

"Nahihiya ka ba noon? Parang hindi naman ews.. pahumble"kinatyawan naman siya nung babaeng kausap niya. napakaingay naman.

"Lah! Hahahaha!"

"Sige labas lang ako nagugutom na ako."

"Okiii. Okiiii! Bye-bye!"ngiting-ngiti naman niya.

Nahiya pa siya sa lagay na 'yon? E halos lahat ng kaklase kong nakakatinginan niya e nginingitian niya.

Nakaupo siya sa tabi ng bintana, pangalawa sa unang pila ng upuan at ako naman ay nasa unahan, inshort na sa likod ko lang siya, kaya lahat nang kilos at galaw niya ay alam ko at nararamdaman ko.

Inilabas ko na ang baon kong kanin at ang binili kong lutong ulam sa labas ng School bago ako pumasok kanina, mas nakakatipid kasi kung magbabaon kaysa bumili sa canteen dito, pangit na nga lasa ng pagkain ang mamahal pa.

So far, mali rin pala ang mga naririnig kong balita tungkol sa school na ito, sabi kasi nila ang pangit daw, at bulok dahil sa ubod ng hina ang aircon at lumalabas daw ang voucher, pero sa isang School hindi lang naman ang mga materials dito at equipment ang titignan, titignan mo rin naman ang kaledad ng mga guro at masasabing kong mahuhusay talaga sila.

"Ah okay, ang galing mo naman pala."sabi noong maliit na babae, kausap niya 'yong lalaking katabi niya, nakapwesto kasi siya tabi ng bintana kaya sa kaniya lang nakafocus ang tingin n'ong lalaki na kakakilala lang niya.

Napataas naman ang kanan kong kilay dahil doon.

Wala akong pake. Tiyaka bakit ko ba siya pinapansin?.

Dumating ang uwian wala nang pumasok na guro sa amin dahil na rin sa second day of class palang, siguro bukas pa namin sila mamimeet, iyong iba sa kanila.

Masayang masaya naman sila at nakaraos sa second day of class ganoon din ako.

Boses lang kasi noong maliit na babae ang naririnig ko at naiirita lang ako, iniisip ko pa kung bakit din ako naiirita sa kausap niya dapat wala akong pakialam dahil hindi ko naman siya kilala.












Pagkarating ko sa bahay ay agaran na rin akong kumain at nagbihis at agad na natulog dahil gigising pa ako mamayang ala-una ng madaling araw para magtrabaho.

Mahirap kasi ang buhay ngayon, lalo na at si papa ay may ibang kinakasama, nakikitara lang ako sa kanila kaya dapat ay hindi ako magpabigat.

Sinasama ako ni papa sa trabaho niya tuwing ala-una madaling araw kasi pumupunta kami sa palengke para mamili ng mga gulay at iba't ibang klase ng alak na hinahatid pa namin sa mga restaurant, si papa kasi ang taga Deliver ng mga fresh na vegetables at magagandang klase ng alak sa kanila.

Verse to my Dearest (ONGOING)Where stories live. Discover now