Fortuna

25 4 0
                                    


That day, hindi na masama ang loob ko sa kaniya, we became friends. Gusto ko na ang tunog ng tawa niya, sanay na ako sa pagka-mataray, sa hampas, at malakas na boses niya, Hindi na rin ako naiinis sa boses niya. It's really great and refreshing pag magkasama kami.

"Oy Kevin! Ang bagal mo dumating aba."galit na sita sa akin ni Dwarf dahil na late ako sa meeting namin, may play kasi kami which is 'yong Romeo at Juliet at expected na, na ako si Romeo.

"Na'saan na 'yung Juliet? Ang babagal niyo!"sigaw pa ni Dwarf. Yes hindi siya ang Juliet ko.

"Init ng ulo mo Dwarf."

"Sinong hindi iinit ang ulo sa inyo?! 1pm ang start, 12pm ang calltime! At dumanting ka 2:30?!"galit na galit na sabi sa akin.

Siya kasi ang pinagkatiwalaan ni ma'am Atchira na maghandle ng play namin na ipepresent sa finals, kaya sobrang stress niya.

"Ewan sa inyo! Tumanggap nalang kaya tayo ng special project mga litsi! Puro kayo role play, pag attend lang ng maaga hindi niyo pa magawa. Nakakabadtrip kayo."dire-diretso siya at tuluyan ng nagwalk out.

Hays.

Sinundan ko naman siya, ang bilis niya maglakad at ramdam sa bawat hakbang niya na gusto niya kaming isumpa lahat.

Chill Dwarf...

"Uy galit ka rin sa'kin?"tanong ko habang hinahabol siya.

Hindi siya nagsasalita at dire-diretso lang sa paglakad.

"Wait lang uy."at agaran ko namang hinawakan ang braso niya. Huminto siya at biglang yumakap sa akin.

Nabigla 'man ako pero hinaplos ko ang likod niya. Naramdaman kong nabasa ang t-shirt ko.

Umiiyak siya...

"Shhh, tahan na, 'wag ka ng umiyak."pag-aalo ko dito.

Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi naman ako galing sa mabilis na pagtakbo pero hinahabol ko ang hininga ko.

Hinayaan ko siyang umiyak hanggang gusto niya, n'ong napagod siya nakatulala lang siya.

Hindi ko alam pero ang cute-cute niya. Ano bang nangyayari sa akin. Badtrip!

"Hays!"

"Bakit?"tanong niya sa akin.

"Wala-wala, ang weird lang ng pakiramdam ko, mawawala din ito hayaan mo na."sabi ko nalang at inaya siyang kumain.










Pagkahatid ko na sa kaniya sa bahay nila, dumiretso na rin akong ng uwi.

Hinawakan ko ang dibdib ko. N'ong nakaraang buwan ko pa ito nararamdaman. Bumibilis ang tibok ng puso ko pag nakita ko siya, nahawakan ang kamay niya, nakikita siyang ngumiti, at makikita siyang nakatingin sa akin, pagna-iisip ko ang kinang ng mata niya at ang buka ng bibig niya.

Ano bang nangyayari sa akin?.

--------------

"Hope this feeling of mine is nothing,

So I can throw you Aside,

And leave behind,

Like nothing happened."

---------------------











"Dominguez."

Tinignan ko sa Fortuna ngayon na kasalukuyang nakatayo sa harap ko.

"Bakit?"tanong ko sa kaniya, kadarating lang niya galing clinic, sumakit kasi kanina ang ulo niya.

"May tatanong lang ako."umupo siya sa harap ko.

Maganda siyang lalaki kung tatanungin ako, hindi gaano matangos ang ilong niya pero malakas ang dating niya, madalas niyang nakakasundo ang mga teachers namin dahil bibo at binansagan siya ng mga classmate ko na 'nepo' na ibig sabihin ay 'ne for never at po for umupo' never umupo. Madalas din sumagot sa recitation, at maasahan sa Math.

"Ano 'yon pre?"

"'Yong tungkol kay ma'am Alvatres."kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Anong meron kay ma'am Alvatres?"curious kong tanong.

Di kaya?

"Totoong bang nagsalita ka sa time niya n'on?"paninigurado niya.

Kumunot ang noo ko, at tumingin sa malayo.

Huh?

"Gusto ko rin magpalate hays."

Lumingon ako sa kaniya nang maalala ang sinasabi niya.

"Hindi ako nagsalita."sabi ko.

"Bakit pinagdidiinan mo na ikaw?"takang tanong niya sa'kin.

"Gusto ko lumabas hahaha."sabi ko naman at napakamot sa ulo.

Tinitigan naman niya ako. Binabasa ang reaction ko. Napatigil naman ako sa pagtawa.

"Sige pre una na ako."paalam niya at tumayo na. Tumayo rin ako. Lumapit siya sa akin at bumulong."sana wala tayong pag awayan."nginitian niya ako ng pilit at tumango. Kumunot ang naman ang noo ko.

Ano namang pag aawayan namin?











Nakaupo ako sa bench at pinagmamasdan si Dwarf na kasalukuyang nababadminton.

Pag hindi niya natatamaan iyong shuttle cock ay tuwang tuwa siya, at pag natamaan niya naman akala mo kung sinong mahangin na nakatama sa bola.

Ang liit niya. Panlalaki siya gumalaw. Hindi bagsak o mukhang galing sa salon ang buhok, malaki ang mukha, at malapad ang noo, hindi rin katangusan ang ilong pero maganda ang mga mata niya, hindi manipis ang kilay niya at maganda rin ang labi samahan pa na may dimple siya. Isa pa, ang taba ng pisnge niya. Ang cute.

"Oy kevin!!"napataas naman ang dalawa kong kilay nang kawayin ako ni Dwarf at niyayang maglaro.

Itinaas ko ang kamay ko at sumenyas na ayaw ko. Bumubuka ang bibig niya at tinanong ako na 'sure ka?' Nag thumbs up naman ako at ngumiti.

Napasinghap ako dahil sa lakas nanaman ng kabog ng dibdib ko. Uminom ako ng tubig at kumalma saglit. Tinignan ko si Dwarf na saktuhan ding nakatingin sa akin. Lumakas lalo ang pagtibok nito.

Ano bang nangyayari?

---------------

"My mind perplexed,

It is love or infatuation?

It is real or just imagination?"

--------------------------

Verse to my Dearest (ONGOING)Where stories live. Discover now