OGL 2

299 10 0
                                    

"Hi Glaiza...It's nice to see you again..." sabay ngiti

"Rhian? It's nice to see you again..." natatawa kong sagot sakanya "Parang kanina lang nagkita tayo sa may restroom ah!..."

"Oh good! You know eachother na pala!" sambit ni Mrs. Howell

"Well babe...same kayo ng course ni Rhian so she will be on your class starting tomorrow..." sambit ni Benj na nakangiti

"That's nice..." sagot ko na lang.

"Oh Mrs. Howell...Rhian...Dad...She needs to go home. Hahatid ko lang si Glaiza pauwi. You can start the meeting if ever na di pa ako nakakabalik...Excuse us." paalam ni Benj sakanila. Nag bow na lang ako sakanila as a sign of respect na din...

"Sge ingat kayo!" sabi ni Tito. Nagwave samin si Mrs. Howell. Napatingin naman ako sa gawi ni Rhian, ngumiti naman siya so nginitian ko na din. Baka sabihan pa akong rude kung iisnabin ko lang...

Lumabas na kami ng Campus at nakita namin dun sila Angge at Ketchup na nagsasapakan. Char. Si Angge lang sumasapak kay Ketchup habang si Ketchup ginagawang shield yung kamay nya habang tumatawa.

"Hoy ano nanaman yan ha?!" sigaw ko sa kanila.

"Gago tong si Chup! Nakita kasi naming lumabas ng Campus si Carlo. Sumigaw ba naman kay Carlo ng "CARLO ANAKAN MO'KO!!" napatingin tuloy si Carlo ng masama sakin. Akala nya ako yung sumigaw. Tangina mo talaga Chup! Lalo akong mawawalan ng pag asa dun! Mapapatay kitaaaa" sabay sapak ulit kay Ketchup.

"HAHAHAHA Napaka ano mo talaga! Wala ka naman na talagang pag asa dun eh! Panget mo! HAH—ARAY!" sabay shield gamit ang braso nya.

"Tumigil na nga kayo! Nakakahiya kay Benj oh! Tara na!" tawang tawa naman si Benj sa kagaguhan ng dalawa. Tumigil na kakasapak si Angge pero bago siya sumakay ng kotse, inambaan nya muna si Ketchup "Mapapatay talaga kita!" pahabol pa niya. Hays...Di talaga papaawat tong babaeng toh...
____________________________

"Thank you babe. I'll see you tomorrow?" sabay kiss sa pisngi niya

"See you tomorrow." sabay ngiti "I love you." sabay halik sa noo ko

"I love you too. Ingat ka ah! Bye!" sabay kaway sakanya

"Thank you bro!" sabay kaway kay Benj "Salamat Benj!!" pahabol ni Angge. Ngmumiti na lang si Benj at umalis na.

Pagpasok namin sa bahay, bumugad samin si nanay. "Oh?...Bat ang aga nyo ngayon?..." pagtataka ni nanay.

"Maaga nag pa uwi nay eh...siguro may ganap mga teacher ngayon..." sabay mano kay nanay

"Hi Nayyy! Ganda mo ngayon ah!.." bati ni Angge sabay mano kay nanay

"Hi nay!! Naks!...sumesexy ka ah...ano ganap?" bati naman ni Ketchup sabay mano kay nanay

Hay nako eto nanaman ang mga toh...parang alam ko na kung anong gusto ng mga toh ah...

"O pasok pasok...jusko po nambola pa kayo...gusto niya lang ng pagkain eh...o siya saktong sakto may luto ako diyan..." sagot ni nanay na natatawa pa

Ayun...pagkain...

"YUN OH! Madaming kanin nay?...hehe..." sabi ni Ketchup sabay pasok nila ni Angge at dumeretso agad sa kusina

"Oo madami yan!...sige kain!..." sabay pasok na rin ni nanay

Eto talagang mga mokong na toh...parang bahay na rin kasi nila ang bahay ko. Kilalang kilala na nila nanay ang ugali niyang dalawa...simula bata pa kami, lagi na silang tumatambay dito. Tinuring na rin nilang magulang si nanay at tatay . At syempre tinuring ko na rin sila bilang kapatid. Kahit pa may kuya ako...si Kuya Alchris. Sa ibang bansa siya nagtatrabaho at dun na din siya nakatira. Not in good terms kasi sila ni tatay dahil hindi niya tanggap ang pagkatao ni kuya....nakakamiss naman siya...

One Great LoveWhere stories live. Discover now