OGL 4

243 8 0
                                    

"Uy Rhian..."

"Mukhang ang saya saya mo ngayon ah...pero bakit ka mag-isa dito?..." tanong niya

Ayos ah...siya yung umapproach sakin...

"Wala may naalala lang haha" sabay ngiti sakaniya

Lumapit naman siya sakin at tumabi kung saan ako nakaupo

"Sus...naalala mo lang boyfriend mo eh..." pangaasar niya sakin

"Hahaha baliw!...Ikaw? Bakit ka nandito?" pagbalik ko sa tanong niya

"Ikaw yung nga tinatanong ko eh...tapos binabalik mo naman sakin yung tanong..." sabay kamot niya sa ulo niya

Natawa naman ako sa inasal niya

"Infairness sa'yo ah...may sense of humor ka pala hahaha..." natatawa kong sabi sakanya

"So wala pala akong sense of humor para sayo?..." kunyaring pagtatampo niya

Aba...

"Eto naman...syempre ngayon lang tayo nagkausap ng ganito...yung pormal...yung walang banggaang nagaganap...yung hindi puro school works ang usapan...ngayon ko lang nadiskubre ang sense of humor mo..." pageexplain ko sakanya

Tumingin naman siya sakin at biglang tumawa

Anong nakakatawa?...

"Ikaw naman...joke lang!...pinagtanggol mo talaga yung sarili mo eh noh?..." natatawa niyang sabi

Ewan ko pero natawa din ako sakaniya...

"Baliw!..." natawa na din ako sakaniya

Para kaming baliw dito na tawa ng tawa HAHAHAHA

"So bakit ka nga napunta dito?..." tanong ko ulit sakanya

"Binabalik mo nanaman sakin yung tanong eh..." natatawa niyang sabi

"Sarap mong kausap alamoyon?!..." sarcastic kong sabi

At nagtawanan ulit kami

Iba talaga ang pakiramdam ko sa babaeng toh...well baka ganito talaga pag first time mo makausap ang isang tao...

"Osge na nga.....pero ikaw muna...HAHAHA" itong babaeng toh talaga...parang bata!...

"Kase nabobored ako dun...di ko naman makausap si Angge..." sagot ko

"Eh bakit ka naman nakangiti kanina?..." tanong niya

"Opsss...bakit ka muna napunta dito?..." pagtanong ko pabalik na ikinatawa niya naman

"Ikaw ah!...iniisahan moko ha!..." natatawa niyang sabi

"Ehh...ikaw nauna eh..." natatawa kong sabi

Ewan pero parang ang gaan niyang kausap....

"Hinahanap ka kasi ni Angge. Eh busy pa rin siya dun kakaaral...kaya ako na lang ang naghanap sayo..." ngiti niyang sabi

At biglang tumahimik...

"Oh?...hindi mo ba ako tatanungin ulit?..." tanong niya

"Wag na...baka ibalik mo nanaman yung tanong eh..." natatawa kong sagot kaya natawa din siya

"Nakuha moko dun ah!..." natatawa niyang sagot

"So bakit ka nakangiti kanina?..." tanong niya

"May naalala lang ako..." sagot ko sabay ngiti

One Great LoveWhere stories live. Discover now