Glaiza's POV
"Cha! Game na! Dating gawi, intro mo muna tas senyasan moko pag papasok na ako" sambit ni Ketchup
"Game" at nagsimula ng magstrum
Kasalukuyan kami ngayong nasarooftop dahil vacant naman namin. Wala lang jamming jamming lang. Nakagawian na din namin tong magttropa during vacant. Kami kami nila Ketchup, Angge, at Kean
Tropa na kami nga mga toh since High School. Pare pareho kaming 1st year college na. Pero kami nila Angge at Ketchup, matatagal na talagang tropa simula bata pa, magkakaibigan rin kasi ang mga magulang namin.
Si Ketchup sa Mechanical Engineering. Kami ni Angge sa Business Administration. Si Kean sa Civil Engineering naman. Pwedeng pwede na kami magpatayo ng sariling kumpanya netoh. Kumpanya ng mga gago. For sure malulugi kami netoh...
Nagsimula kaming mabuo ng kasama na si Kean dati nung nakikanta siya habang nagjajamming kami nila Ketchup sa rooftop ng school. O diba, nakikanta lang tropa na agad...
"Gagi C major yon hindi D major! Tamo tumaas" ito naman kasing si Ketchup lagi na lang kaming hindi nagkakaintindihan sa chords...
"Sorry boss Sorry boss...oh ito na" sabay strum
"Ayan much better...Tas Angge pag pasok ni Chup, drums na...Tas Ean pagkatapos ng isang bagsak ni Angge, kanta na."
"Glaiza?...Babe?..."
"Oh basta next jam, lam nyo na ah!" sambit ni Kean bago tignan kung sino yung tumatawag
"Galura jowa mo!" sigaw ni Kean. si Benj pala...
"Hi babe!! Napadalaw ka?" wow para namang hindi dumadalaw yan lagi sa rooftop para dalhan ka ng lunch...
"Lunch mo babe oh...ahm babe, pagkahatid ko sayo mamaya pauwi, babalik ako dito sa school..." hmm?...
"Why babe?" bakit kaya...
"Magpapatulong kasi si dad sakin dun sa ka business partner nya tas yung anak pa non tutulungan kong ienroll ulit dito"
Anak ni Professor Richard Alvez si Benj. Isa sa pinaka magaling at matagal nang Professor dito sa University namin. Isa rin sa may ari ng maunlad na kompanya dito sa Pilipinas. Benj is his only son. Kaya maswete tong si Benj. Uulanin ng mana. President si Benj ng Student Council kaya siya lagi ang naka toka kapag may bisita. And kanang kamay na din siya ng Daddy nya. Laging busy si boyfie🙄 10 months pa lang kami pero feeling ko ang tagal ko na siyang kilala. Sobrang honest nya and buong kwento ng buhay nya ata, nakwento na nya lahat sakin.
"Ieenroll pa? Ulit?" sa kalagitnaan pa ng semester?...
"Yup. Galing London kasi. Pero matalino naman daw kaya for sure mabilis din makaka catch up yon." wow sosyal...
"Ano daw course?"
"Same as yours babe. Business Administration" niceee
"Sge babe. Thank you sa lunch! See you later. I love you!" Sabay kiss sa cheeks nya
"See you. I love you too!" Sabay kiss sa noo ko at umalis na din
"ANG TAMIS GALURA!!! NILALANGGAM NA KAMI DITO OH!!" Sigaw nila Angge
"Baliw! Tara na nga!"
________________________________Nandito kami ngayon sa rooftop ng school. Nagpapalipas oras habang nagyoyosi si ketchup. Si Kean nauna na, may tatapusin pa daw kasi. 3pm pa lang naman, maaga nag pauwi. Di ko rin alam kung bakit, biglaan lang din. Siguro may meeting ang faculty ngayon.
YOU ARE READING
One Great Love
عاطفيةIs It worth fighting for?...fighting for your One Great Love...