OGL 3

267 10 2
                                    

Mahigit isang buwan na simula nung naging kaklase namin ni Angge si Rhian. Tama nga si Benj...ang bilis niyang maka catch up sa lesson kahit late na siyang pinasok...sobrang active nya rin sa school specially sa mga acads...

Kakaalis lang nung Prof namin sa Basic Finance at kasalukuyan kaming walang teacher ngayon...actually 30 minutes na ang nakalipas nung umalis siya...wala atang balak pumasok yung next Prof namin...🙄

"Rhi...patulong naman dito oh...pano ba kasi toh?..." sabay kamot sa ulo

Halatang namomoblema siya kasi hindi daw niya maintintidihan ang nilesson nung huling prof na lumabas sa classroom namin...

And YES...close na sila Angge at Rhian...

Nakakapanibago nga eh...kasi itong si Rhian...madami na siyang nagiging close ngayon...di katulad dati na halos sila Bianca lang at iba niyang kaibigan ang kilala niya at kinakausap niya...well...dati yun...High School pa kami nun eh...people change...

At....nakakapanibago tong si Angge ah..May sakit ba toh?...ngayon lang kasi toh nagpatulong sa pagintindi ng last lesson...eh dati wala tong pake kung wala man siyang maintindihan sa lesson pagkaalis ng Prof...

"Ganito lang yan Angie oh..." sabay kuha ng hawak na papel ni Angge. Siya lang ang bukod tanging tumatawag ng "Angie" kay Angge...

Ewan ko ba dito kay Rhian...ang weird magbigay ng nicknames...

Tawag nya nga dun na kaklase namin na pangalang Stephanie, "Sannie"...tapos kay Katrina, "Katy"...tapos kay Pocholo, "Puchero"...tapos kay Heart "Life" kasi daw wala tayong buhay kung wala tayong Heart...langya...di ko alam kung matatawa ba ako maiiinis...napaka mais kasi... (oo na...napaka corny na...🙄)

Tawag niya naman sakin.....

"Glaiza"...

Hehe

Wala eh...di pa kami masyadong close...minsan lang kami kung magusap. Parang typical classmates lang na tanungan about sa lesson...hiraman ng notes...wala...ganun lang...

Aakyat nga muna ako sa rooftop...tutal busybusyhan tong mga kaklase ko. May mga nagaaral...natutulog...nanttrip ng tulog...naglalandian...hays...wala akong magagawa dito...

....
Pagkaakyat na magpaakyat ko sa rooftop...napangiti agad ako sa ganda ng view...ramdam na ramdam ko rin ang sariwang hangin...

"Hayy saraaaapp..." sabay upo sa sahig at umunat unat

Sobrang nakakarelax ang view dito sa rooftop. Gustong gusto ko dito tumambay kapag bored...malungkot...masaya...gusto mapag-isa. Dito din ang tambayan naming apat. Tsaka sobrang memorable din kasi ng lugar na toh...dito kami nabuo ng kasama na si Kean...

Napatingin naman ako sa pader na kung saan ay may nakasulata na "4AP WALANG TITIBAG! EX MAN NI KETCHUP ANG AMING IBALIBAG!" tapos may mga pirma naming apat sa baba.

Napailing na lang ako habang tumatawa "Hayy memories..." bigla ko namang naalala nung mga panahong 3rd Year High School pa kami at ang dahilan kung bakit nabuo ang "4AP" which stands for "4 Angry People"

Flashback

"Cha...anong course kukunin mo?" tanong ni Kean hahang tinotono ang guitara niya

Nasa rooftop kami ngayon. Uwian naman na kaya napagisipan muna naming tumambay muna dito bago umuwi

"Business Administration Ean, gusto ko kasing magkaroon ng sariling Restobar. Actually kami ni Angge, gusto namin. Kaso ayaw naman namin maging magkalaban so pwedeng kaming dalawa mismo ang may ari ng Restobar. Business Partners ganon." habang nanguya nguya pa ako ng chichirya

One Great LoveWhere stories live. Discover now