Bumalik na kami sa classroom para kunin ang bag namin dahil uwian na.
Napansin ko namang wala na ang gamit
ni Rhian..."Angge...si Rhian?...bat ang aga lumabas?..." tanong ko kay Angge
Napatingin naman siya sakin "Cha...kanina mo pa hinahanap ah..." makahulugan niyang sabi
"Eh...hindi pa ako nakakapag sorry eh..." sabi ko na lang
Totoo naman eh. Malay natin nabastos siya o kaya naooffend sa biglaan kong pag alis...
Teka...bakit ba ang big deal?...hay ewan!...
"Kakaalis lang tol..." sabat ni Pocholo
Bigla naman akong parang naexcite
Naexcite talaga?...
"Angge una na ako...sabay ka na lang kela Ketchup ah...pasensya na...babye ingat kayo!..." pagmamadali ko dahil hahabulin ko pa si Rhian
"GALURA!" rinig kong tawag ni Angge pero di ko na pinansin...kinawayan ko na lang siya...
Pagbaba na pagbaba ko sa lobby, madami nang estudyante ang nagsisilabasan. Hindi ko pa rin mahagilap si Rhian...
Nakalabas na ako ng Univ at lahat lahat pero hindi ko pa rin siya nakita. Siguro nakauwi na yun...
"Bwisit naman..." mahina kong sabi sabay upo sa mahabang bangko na nasa tapat lang ng Univ
"Not in the mood?..."
Napatingin naman ako sa nagsalita
"Rhian..." bigla akong napatayo sa gulat
"Hi...bad trip ka ata?...halos ihagis mo na yang sarili mo dyan sa bangko eh..." natatawa niyang sabi
Ganun ba ako kabadtrip talaga?...
"Ahh...hindi...hindi naman..." nahihiya kong sabi sabay upo niya sa tabi ko kaya naupo na din ako
"Bakit bad trip ka?...di mo mahanap boyfriend mo?..." nakangiti niyang tanong
"Ay hindi...hindi hindi..." halatang nagtataka na ang mukha ni Rhian "Ikaw kasi..." nahihiya kong sabi
"Ako?...anong ako?..." nagtataka niyang tanong
"Ikaw yung...yung hinahanap ko...akala ko kasi nakauwi ka na eh..." nahihiya kong sagot
Bakit ba ako nahihiya?...
Bigla namang siyng natawa "Really?...bakit naman?..." natatawa niyang tanong
"Gusto ko lang kasing magsorry...sa nangyari kanina...baka kasi...nabastusan ka sa ginawa ko eh...bigla bigla kitang iniwan...I mean, kayo ni Angge..." nahihiya kong sabi
Normal lang siguro na mahiya ako...dahil ba naman sa ginawa ko kanina eh...
"Ano ka ba?!...ok lang yun!...I understand..." sabay ngiti niya "Kaya pala nabadtrip ka kanina eh...sorry ah...may tumawag lang kasi kaya lumayo muna ako..." pagpapaliwanag niya
"Uuwi ka na ba?..." tanong ko sakaniya
"Yup...I was about to pero...nakita kita diyan na nakabusangot eh...maybe you need a friend to talk to...that's why nilapitan kita..." natatawa niyang sabi na ikinahiya ko naman
"Tara hatid na kita..." napahinto naman ako sa sinabi ko
San galing yun Galura?...
YOU ARE READING
One Great Love
RomanceIs It worth fighting for?...fighting for your One Great Love...