OGL 7

300 8 10
                                    

"Parang tanga Chup...parang tanga..." sabi ko sabay irap kay Ketchup

Pano ba naman kasi toh, walang tigil kakaasar samin ni Rhian sa "date" namin nung sabado

"So what's the real score between the two of you?..." pangaasar pa niya lalo

"Lakas maka celebrity Chup ah?.." natatawang sabat ni Angge

"Ano nga tol?..." pangungulit ni Ketchup

"Kaibigan ngaaa...Rhian oh! Patigilin mo nga bunganga niyan..." sumbong ko kay Rhian sabay yakap sakaniya

Present kaming lahat dito sa rooftop. As usual...kasama pa rin namin ang tatlong mokong

"Langya...kaibigan daw?...pero kung makayakap, daig pa magjowa..." pangaasar pa ni Ketchup

"Nako Rhian...swerte mo dahil hinahayaan ka ni Cha na yakapin mo siya. O kaya yakapin ka niya. Eh kung kay Angge yan, kanina kapa nasapak niyan..." sabat ni Kean

"Mismo!...may exception tsaka favoritism talaga tong si cha eh...di na tayo lab niyan..." pagtatampo kunyari ni Angge

"Pwede ba Panganiban?!...tigil tigilan moko sa mga ganyan mo!...di bagay sa'yo..." natatawa kong sabi sabay yakap ulit kay Rhian

"Hay nako Galura. Kung hindi lang kayo magkaibigan, iisipin kong pinagtataksilan mo na si Benj..." biglang sabi ni Angge

"Oo nga tol...kung makasiksik ka kay Rhian eh...tapos nagdate pa kayo nung sabado diba?...alam ba ni Benj yun?..." sabat naman ni Ketchup na ikinagulat ko

Bigla namang lumuwag ang pagkakayap sakin ni Rhian

Siguro nabigla din toh sa sinabi nila...

"Mga tol easy lang...kung ano ano na iniisip niyo eh. Oo hindi alam ni Benj yun, pero sasabihin ko naman eh lagi lang siyang busy. Tsaka yung alis namin ni Rhian nung sabado?...friendly date lang yun. Bakit? magjowa lang ba ang pwedeng mag-date?...diba tayo rin umaalis din?...KAIBIGAN KO lang si Rhian. KAIBIGAN NATIN siya. Okay?...kaya easy lang mga tol..." pagpapaliwanag ko kaya medyo natahimik sila

"Sensya na tol...di lang kami sanay na ganyan ka...sensya na Rhian..." sabi ni Ketchup sabay pat ng balikat namin ni Rhian

"Okay lang...sorry din kasi namissinterpret niyo yung friendship namin ni Glai. Ganito talaga kasi ako sa mga close friends ko eh..." sabi ni Rhian

Ahh ganun din pala siya ka-sweet sa iba...

"Kaya nga nanibago kami eh...kasi nagpapayakap na yang si cha..." sabi ni Angge

"Oo nga. Sa jowa niya lang talaga kasi yan nagpapayakap eh..." sabi naman ni Kean

"Babe?..."

Napalingon naman kami sa nagsalita

"Speaking of jowa..." sabi ni Angge at tumayo "Hi Benj!...yun si Galura oh!.." bati ni Angge sabay turo sakin

Shit...

Napahiwalay naman ako kay Rhian nung nakita niya ako "Babe!...hello!...anong ginagawa mo dito?..." tanong ko sabay lapit sakaniya at kiss sa cheeks

Para naman akong nahuling nagtataksil nito...🤣

"I just planned to visit you here kasi sobrang dami ko nang kasalanan sa'yo..." sagot niya

"Kasalanan?..." tanong ko

"Yeah...kailangan kong bumawi sa'yo kasi nawalan ako ng time sa'yo diba..." sagot niya sabay yakap sakin "I missed you..." pahabol niya

"Ahh..." sagot ko

One Great LoveWhere stories live. Discover now