fifty five

392 24 3
                                    


*˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ [ yeji — • ] ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*

nasa salas lang ako habang kumakain at nanonood ng tv nang biglang may nag-doorbell. muntik pa kong mabilaukan. pisti.

agad kong sinilip kung sino mang poncio pilato ang nasa labas, naaninag ko yung isang lalaking matangkad na nakatayo sa harap ng gate namin. sino 'to?

inayos ko ang sarili ko saka nagbukas ng pinto.

"hwangsu—"

"lah gago!" napasigaw ako sa gulat. awkward ko siyang nginitian. "ay sorry, bakit nandito ka?" tanong ko sa kanya. baka nakakalimutan niya yung pagsusungit niya nung mga nakaraang araw?

"hindi mo ba ko papapasukin?" tanong niya saka ko lang na-realize na nakatayo lang siya sa may labas ng gate at ako, nakasandal lang sa front door namin.

naglakad ako papunta sa may gate saka ito binuksan, "pasok ka."

pinaupo ko naman agad siya sa loob ng bahay saka sinarado ang pinto. "ano bang pakay mo, wala naman si jisu dito eh."

"ikaw." deretso niyang sabi. nagtataka ko lang siyang tinitigan kasi nga hindi ko siya magets. "tara, may pupuntahan tayo."

"baliw ka ba? nine o'clock na ng gabi. saan mo naman ako dadalhin?!"

"'wag ka nang magtanong. ready ka na ba?" patuloy na pagsasalita niya nang hindi man lang sinasagot ang tanong ko. i tried reading what's in his mind by looking at his eyes pero hindi ko pa rin alam kung anong uri ng elemento ang sumapi sa kanya.

inirapan ko na lang siya saka nilinis yung pinagkainan ko. sinasadya ko talagang bagalan yung kilos para mainip siya.

"hwang yeji, kaya today? bandila na gorl." sabi niya.

"nag-shutdown na po abs-cbn, opo."

umakyat na ako sa taas para mag-ayos ng kaunti saka magpaalam kay mom saka dad na madali lang ako, hehe. 'di na ko nag-explain pa, basta na lang ako nagsabi na aalis ako at babalik agad. #thuglyfyeji cheret lang.

sinenyasan ko siya na lumabas na kami. hindi ko pa rin alam kung saan niya ko dadalhin.

paglabas namin, sumakay siya sa motor na nakaparada sa tapat ng gate namin. "marunong ka?" tanong ko sa kanya. ngayon ko lang naman kasi nakita si yeonjun na magmomotor. "oo naman, sakay na."

sumakay na lang ako sa likod niya. hindi ko alam kung saan ako hahawak nung una, leche. hindi naman kasi ako sanay umangkas sa motor.

marahan lang ang pagpapatakbo niya pero wish ko lang na bilisan niya kasi sobrang awkward talaga. nakahawak lang ako sa balikat niya tapos siya 'tong seryoso sa pagmamaneho at hindi ako kinakausap. moody ang hayop.

huminto kami sa isang madilim na lugar. anong gagawin niya sa'kin dito?! hehe joke lang. medyo maliwanag naman dahil may maliit na ilaw sa gilid ng tuwid na daan.

nagsimula lang siyang maglakad habang nakasunod lang ako.

nakarating kami sa isang tree house na maraming ilaw. sobrang ganda talaga! parang ako lang. rawr. naupo siya do'n sa may upuan kaya ako rin.

"welcome to my happy place." mahina niyang sabi. nakaangat ang ulo niya habang tinitingnan ang nagagandahang ilaw sa itaas ng malaking puno. "why did you bring me here?"

"gusto lang kita i-cheer up." sabi niya. naalala ko tuloy yung nangyari ngayong gabi. it wasn't my intention to say those words pero bigla ko na lang nagawa. and now, i feel really bad towards my friends.

i know i did something wrong.

huminga ako nang malalim saka humiga. naramdaman ko na lang na humiga rin siya sa tabi ko. "i do not know what happened but i only want to see you smile again." seryosong sabi niya, humarap ako sa kanya. ngayon ko lang ata siya nakitang seryoso dahil madalas naman tina-trashtalk niya lang ako.

tumingin din siya sa'kin kaya nagtama ang mga mata namin. biglang bumilis ang tibok ng puso ko. agad akong umiwas ng tingin.

"thank you, yeonjun." i smiled and looked up again.

"always here."

YOU BELONG WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon