nineteen

459 28 19
                                    



*˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ [ yeonjun — • ] ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*

nakatulala lang ako habang patuloy na nagtuturo si miss sa harap. inip na inip na ko sa kahihintay nang pagtunog ng bell para makita ko na si yeji. ano na naman kayang balak nung babaeng yun?

sa totoo lang, kinakabahan ako. baka mamaya kung ano pang masabi ko sa harap niya tapos maturn-off na siya sa'kin at mawalan na talaga ako ng pag-asa. tanga ka, yeonjun. mukhang matagal nang wala kang pag-asa.

tuwang-tuwa pa naman akong in-approach na ko ng crush ko pagkatapos nang matagal kong pagpapapansin pero unang kausap niya pa lang sa'kin, mukhang palpak na agad.

nasabi ko pang crush ko yung kaibigan niyang si lia na kapitbahay ko. ayoko sanang mag-sinungaling kaso wala na akong choice. isa pa, mainit yung dugo niya sa'kin dahil sa mga chismis na naririnig niya. bakit ba mas naniniwala siya dun? hay, pasalamat siyang gusto ko talaga siya.

biglang tumunog ang bell. yes! makikita ko na siya. tumakbo ako agad sa labas. "yeonjun hyung!" tawag sa akin ni beomgyu pero hindi ko pinansin, malamang mambuburaot na naman sila ng lunch. bahala kayo basta ako makikita ko si yeji. hehe.

isang floor na lang ang kailangan kong takbuhin bago makapunta sa rooftop. bago ako pumasok, sinilip ko muna kung may tao.

nakita kong may nakatalikod na babae. may dalang... box?

"yeji?" tawag ko sa kanya, humarap naman agad ito. si yeji nga. matalim niya kong tiningnan, malamang naga-gwapuhan siguro 'to sa'kin. oo, kakapalan ko pa.

huminga siya nang malalim saka inabot yung box. "para saan 'to?"

"try mo kainin." sabi niya at agad akong inirapan. aray. akala ko pa naman hindi na magsusungit.

huminga siya nang malalim tapos sinubukang ngumiti pero natatawa ako sa itsura niya. mukhang pilit lang pero okay na rin. maganda pa rin.

"gusto ko lang humingi ng sorry sa lahat ng nasabi ko nung mga nakaraang araw. i am at fault." panimula niya. nagtataka naman akong tumingin. si crush? magso-sorry sa'kin? grabe yeonjun, ang gwapo mo na talaga.

"pero 'wag sanang hanginin ang ulo mo. hindi pa rin ako boto sa'yo para kay lia, mabuti na yung maliwanag." perfect na sana kaso masungit pa rin siya. naka-cross arms pa habang tinitingnan ako habang pinapatay. okay lang talaga. matagal na kong patay na patay sa kanya.

"sige, bati na tayo. 'wag mo na ulit akong aawayin. ano ba 'to?" pagbukas ko ng box, nando'n yung notebook na kinuha niya saka isang panda stuffed toy.

pagtingin ko sa kanya, nakatingin lang siya sa baba na mukhang nahihiya. "peace offering lang yan, walang ibang meaning kasi sobrang na-guilty lang ako."

"masyado ka namang defensive. hindi ko naman tinatanong." sabi ko hanggang sa mukha na siyang nakahinga nang maluwag.

"nagtatapat ka na ba sa'kin, miss hwang yeji? sabi ko hindi kita type eh."

"ay hinayupak ka talaga." bigla na naman umusok ang ilong niya. "'wag mo na ulit akong kakausapin pagkatapos nito ha, panira ka talaga ng mood!"

hinalungkat ko yung notebook. wala namang napunit pero mukhang may nawawala.

"kinuha ko yung picture ko jan, ba't may kopya ka 'nun? nakaasar. aalis na ko." inirapan niya na naman ako bago siya umalis.

okay lang, yeji. kunin mo lang. marami naman kaming ink. hehe.

YOU BELONG WITH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon