*˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚ [ yeonjun — • ] ˚*•̩̩͙✩•̩̩͙*˚*"oh ayan, ayos na. nilagyan ko na ng tubig." masayang sabi ni lia pagtapos tikman ulit yung niluto ko kanina na nilagyan niya ng tubig. tinitigan naman siya ni soobin at ngayon, nagtitinginan na sila. sana oil.
masarap naman talaga akong magluto eh, kinabahan lang ako kanina. promise. no joke.
"ano ba talagang dahilan at pinapunta mo kami dito?" seryosong tanong ni soobin. kilala talaga ako ng pipinong 'to. tsk, bahala na. i need to come clean at last.
"i like yeji." agad namang pinanlakihan ng mata si lia at si soobin, tiningnan lang ako. malamang kasi alam niya na.
"alam ko." sabi ni soobin.
"bakit sa amin mo sinasabi?" tanong ni lia.
"hindi ko masabi kay yeji kasi..." marahang sabi ko habang inaabangan ang magiging facial expression nilang dalawa.
"ang alam niya, gusto ko si jisu."
at this point, si soobin naman ang nagulat. mukhang nagtataka naman si lia. hindi ko naman sila masisisi.
nanahimik na lang si soobin, kakausapin ko na lang siya mamaya. ang alam ko kasi, hindi pa alam ni lia yung totoo about sa kanya, so shut up na lang ako.
"yeonjun, ano bang naisip mo? ba't mo sinabi yun sa kanya?" tanong ni lia sa'kin. "hindi ko rin alam. wrong timing niya kasi nalaman, hindi ko pa kayang umamin nu'n. hindi ko naman alam na aabot kami sa ganito." don't get me wrong, masaya naman akong naging close kami. pero pinagsisisihan kong nagsinungaling ako sa kanya.
"yun ba yung sa notebook mong nakita niya sa faculty room?" tumango ako.
huminga si lia nang malalim, "kung gusto mo talaga si ye, aminin mo sa kanya. deserve niyang malaman kung ano yung totoo."
"ayokong i-judge yung dahilan mo kung bakit mo ginawa yun, naiintindihan ko naman in some way. hindi ko 'to sasabihin sa kanya. pero siguraduhin mong magpapakatotoo ka na kay yeji. i don't want her to be hurt."
"oo, li. thank you dahil naintindihan mo. i assure you, sasabihin ko na sa kanya."
"sorry din, soobin. tinago ko sa'yo..." hindi ko masabi sa harapan ni lia pero alam kong alam na ni soobin yun. tumango na lang siya at ngumiti bilang pagsang-ayon.
now, i only need to tell yeji the truth.
BINABASA MO ANG
YOU BELONG WITH ME
Random[ swift series #2 ] ❝luh, feeler. hindi naman ikaw yung crush ko.❞ 〆in which choi yeonjun tells a lie to his crush, hwang yeji, that he's attracted to her friend and not to her. 〆txtzy epistolary novel 〆choi yeonjun + hwang yeji 〆twitter format