CHAPTER 10

5.3K 177 24
                                    


Papalabas na ako ng CR ng biglang may tumunog sa loob ng sling bag ko.

Hindi ko yun ringtone kaya sigurado ako kay boss sungit yun. Dali dali kong sinagot yun kahit unregistered yung number.

"Hello. Sino po to?" magalang kong tanong.

"And who the hell are you!?" nilayo ko agad ang cellphone sa tenga ko dahil sa sigaw nitong kausap ko.

Ang sakit sa tenga, sino ba 'to?

"Sino po kayo?" tanong ko ulit.

"Who the fuck are you? Why are you answering Silver's phone huh?" mataray na tanong ng babaeng nasa kabilang linya.

Sasagutin ko na sana ng biglang may kumuha sa cellphone, akala ko magnanakaw si boss sungit lang pa.

"Akala ko sino" sabi ko.

"What took you so long?" sabay pasok niya sa cellphone sa bulsa ng coat niya.

"Eh may tumawag po eh, sinagot ko muna sabi mo po kasi sagutin ko pag may tumawag" pag e-explain ko sa kanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay at ginaya na ulit papunta sa mesa namin.

"Babae po sir" pagpapaalam ko sa kanya.

"Galit nga po kasi bakit ko daw hawak yung cellphone mo"

"Next time tell them that you're my girlfriend" parang walang pakealam niyang sagot.

"Girlfriend?"

"Hindi, sabihin mo nalang katulong tss"

Ang sungit talaga nito e no? Pero sino kaya yung babaeng tumawag kanina? Nong isang araw lang may babae ding pumunta sa opisina at inaway pa ako dahil hindi ko pinapasok, hays.

Natapos na yung meeting ni boss sungit don sa bading kanina, ewan ko ba pwede naman na dumiretso kami don sa botique para maghanap ng masusuot ko, gusto niya talaga masinsinang pag-usapan. Tsk

Nga naman, baka maphiya siya pag pipityugi yung suotin ko.

Nakahiga na ako sa kama ko ngayon at handa ng matulog ng biglang tumunog yung cellphone ko.

1 message.

Binuksan ko agad yun at napakunot ang noo ng galing pala yun kay boss sungit.

Boss Sungit: are you asleep?

Nag reply naman ako agad

: hindi pa po

Tumunog naman ulit yung cellphone ko, aba ambilis naman makapag reply nito

: then what are you doing?

Bat ba siya nagtatanong?

: nakahiga lang po sir

Hindi na siya nakareply kaya ibaba ko na sana ng bigla namang may tumawag. Eh???

"Hello sir?"

"Usog ka" sagot niya na ikinalito ko.

"Huh? Bakit po?" taka kong tanong sa kanya.

"Basta usog ka kunti"

Ako naman tong si tanga umusog rin ng kunti.

"Tapos na po sir"

"Sige, tatabi na ako" napakagat naman ako sa labi ko dahil sa sinabi niya.

Pinipigilan kong matawa, anong kalokohan ba tong pinanggagawa ng boss ko?

"Tulog na po ako sir" sagot ko sa kanya na benalewala yung sinabi niya kanina.

"Okay. Wet dreams" hindi pa man ako nakakasagot pinatay na naman niya yung tawag.

The CEO's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon