CHAPTER 25

4.2K 89 22
                                    


Hindi ko alam kung paano ko napakalma ang sarili ko. Pagdating na pagdating ni Lucil kanina, kwinento ko agad sa kanya ang nangyari. Hindi niya naman sinabi kung tama ba o mali yung ginawa ko, ang kanya lang kung saan ako sasaya doon rin siya. Pero hindi ako masaya sa kahit ano.

Wala akong ideya kung anong gagawin ko pagkatapos nito. Pag nakalabas na ako dito, uuwi ba ako agad? Yung mga gamit ko pano ko kukunin yun? Anong sasabihin ko kina mama? Paano na sila? Pero pano rin naman ako? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, litong lito na ako.

"Uuwi ka ba sa inyo pagkatapos nito?" tanong saken ni Lucil habang tinutulungan ako sa pagsubo.

Napatigil naman ako, yun ang iniisip ko kanina. Kung uuwi ako, pano na sina mama? Ni wala nga silang ideya na ganito na ang nangyayari sa akin, nagsakit na nga si Papa dadagdag pa ba ako? Tumingin ako kay Lucil at umiling.

"H-hindi. Babalik nalang muna siguro ako don sa a-partment ko. Maghahanap ulit ako ng trabaho pagkalabas ko dito" determinado kung sabi kahit na alam kung hindi yun ganon kadali.

Wala na akong ibang mahahanap na trabaho na ganon kalaki ang sweldo. Mas nakarami pa ako sa pag-iipon dahil sa kanya na ako nakatira, pero ngayon?

"Anong maghahanap ng trabaho? Ang hina hina mo pa nga e. Balik ka nalang muna sa mansyon, total wala naman sila don. Sumunod kay Sir Luke sa ibang bansa"

"A-ayoko. Ayos na naman ako, mas maayos na yung pakiramdam ko ngayon kesa kanina" pagsisinungaling ko dahil medyo hindi pa talaga maganda ang pakiramdam ko.

"Basta hindi pwede! Catallina, nag-aalala ako sayo pati na si Tiyang Rosa kaya don ka nalang muna sa mansyon paglabas mo, aalagaan kita"

Hinawakan ni Lucil ang kamay ko at bahagyang pinisil. Nginitian ko siya at hinawakan pabalik ang kamay niya.

"Ang swerte ko dahil naging kaibigan kita. K-kung wala ka baka pati ako nawala na" hindi ko mapigilang mag drama at mapahikbi sa nararamdaman.

"W-wag ka nga. Naiiyak na rin ako. Tumigil ka na, kagabi ka pa iyak ng iyak" naluluha niya ring sambit pero hinahaluan ng pagtawa.

Kahit sandali nakaramdam ako ng kagaanan sa sarili. Simula kagabi ang bigat bigat na ng pakiramdam ko. Pag binabalikan ko ang nalaman tungkol kay Silvestre at ang pagkawala ng anak namin, mas lalo lang akong nasasaktan.

May luha parin ang mga mata ko ng makatulog kinagabihan. Paggising ko mukha agad ni Silvestre ang bumungad saken, napapitlag ako sa pagkakahiga at agad agad bumangon. Napangiwi pa ako dahil sa pagkabigla.

"Hey, you're awake. Are you okay? Gutom ka na ba?" masuyo at malambing niyang tanong.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, halatang bagong ligo pero hindi nakakawala saken ang pamumula ng mga mata at ang itim nito sa ilalim. Mukha siyang sabog, baka naghiwalay sila nong babae niya ng malamang hindi lang ako ang kabit niya?

"Anong ginagawa mo dito? Diba wala na tayo?" diretsa kong tanong sa kanya pero hindi niya sinagot.

Imbis na patulan ako sa pagmamaldita ay nilagay niya lang sa harapan ko ang pagkain ko. Mas lalo akong naiinis sa mga kinikilos niya. Ano pa bang ginagawa niya dito? Bakit kung makaasta siya ako lang yung tinatrabaho niya, diba marami kami?

"Sususboan kita" sabi niya ulit at iginiya ang kutsara patungo sa bibig ko.

Tinikom ko lang yun at tumingin sa paligid ng mapansing wala si Lucil. Nasan ba siya at bakit niya pinapasok to? Nag-usap na kami kagabi na wag niya tong papasukin.

"Lucil is not here. Pinabayaran ko sa kanya yung bills mo, you can go home later. Inayos ko na yung condo kagabi para sa pag uwi mo" singit niya ulit ng mapansin ang mata kong may hinahanap.

The CEO's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon