CHAPTER 32

4.6K 90 24
                                    


Bawat araw na dumadaan ganon parin naman, medyo mahirap kaya kinailangan ko talaga ang tulong ni mama. Pero hindi na siya sumasama saken dahil mas gusto niya na matuto ako ng ako nalang.

Nakakaya ko naman, may sekretarya rin naman ako. Si Tita Yzel pa mismo ang nag hire kaya talagang maaasahan.

"Come in" sigaw ko mula sa loob ng may kumatok sa pinto.

"Good Afternoon Miss. I just want to remind you about the auction the next day" si Vivian, sekretarya ko.

Tulad ko rin may dugong pinoy pero dito na lumaki sa America kaya hindi marunong mag tagalog pero nakakaintindi naman daw siya ng kaunti.

"What? I thought it's next week?" gulat kong tanong.

"Uh .. have you forgotten that I called you yesterday hmm ... around 7 pm just to inform you that the auction was moved earlier than expected"

Nasapo ko ang ulo ng maalala ang tawag niya. Hindi ko masyadong napagtuonan ng pansin dahil busy ako sa pakikipag kwentuhan kay Mellisa. Kwinento ko halos lahat sa kanya, maliban nalang doon sa parte na nawalan ako ng anak. Ayoko na ipagsabi pa yun, gusto kong respetuhin ang namayapa kong baby. Ayaw ko na ng kahit ano pang tanong tungkol sa kanya.

"I really forgot. So .... we'll leave tomorrow?"

"Uh? Probably Miss" nag aalangan pa siyang sumagot saken.

Siguro nagtataka kung bakit siya ang tinatanong ko. Bakit nga ba? Nawala talaga sa isip ko.

Hindi na naman ganon kadami ang mga paper works at mga trabaho eh. Kahapon natapos ko na rin ang mga meetings. Galing pa nga akong Toronto noong isang linggo, para i check ang maliit na mga botiques doon na pagmamay-ari din namin.

Masyado akong naging abala sa mga nakaraang araw, marami rin kasing ginagawa. Kahit sino sino na lang ang nakakasalamuha ko, meeting dito meeting doon. Minsan pa nga may mga bastos na kliyente, kaya naman ng malaman yun ni Lola pinadalhan na naman ako ng mga guwardya. Mas malala, kasi naging tatlo pa.

Galing pa to sa agency nina Keannu dito sa America kaya tiwalang tiwala naman si Lola.

And speaking of Keannu, hindi na kami nagkikita masyado. Busy na busy na siya sa buhay niya, pero hindi niya nakakaligtaan na tumawag araw araw. Akala nga ni Mama boyfriend ko na siya, pero wala naman akong gusto sa kanya. I mean, oo mabait si Keannu pero kaibigan lang talaga yung tingin ko sa kanya, kasalungat sa mga sinasabi ng ibang tao.

"Would you like some dessert Miss?" tanong ni Vivian.

Napaangat ang tingin ko sa kanya at agad na tumango.

"Yes please, I really need some sweets to relax" hilot ko sa sintido.

Halos isang araw pa naman ang flight papuntang Las Vegas, sobrang layo non.

Tinawagan ko sa intercom si Vivian.

"Vivian? Can you contact our private plane for tomorrow morning? I don't want to take the public plane. Las Vegas is too far, so maybe if we'll use our own plane we can get there a little bit faster"

Sa mga nagdaang buwan, nasanay narin ako sa pag e-englis. Hindi lang dahil sa mga empleyado kundi dahil mas okay daw yun sabi ni Tita Yzel.

Nang umuwi ako kinagabihan ay agad akong sinalubong ng lutong pagkain ni Mama. Natakam agad ako sa mga luto niya dahil medyo matagal tagal narin bago ako nakatikim non.

"Pupunta daw dito yung lola at lolo mo, bukas yung flight nila" nilingon ko si mama habang busy na nakatitig sa cellphone niya.

"What? Bakit hindi binanggit saken yan ni lola nong isang araw na nagtawagan kami?"

The CEO's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon