CHAPTER 29

4.6K 93 27
                                    


"So ano ng plano mo ngayon?"

Tanong ni Lucil saken, andito ako ngayon sa mansion ng mga Salvador. Ako na mismo yung dumalaw sa kanya dahil hindi pa naman niya alam kung saan kami nakatira. Nagkwento ako tungkol sa nangyari saken kaninang umaga kaya eto, nagtatanong siya kung ano bang gagawin ko. Bumuntong hininga ako bago sumagot.

"Natatakot kasi akong sabihin kay mama"

"Pero kailangan mo Catallina. Hindi naman kasi pwedeng itago mo nalang yan, mas lalo kang mahihirapan"

Tumango ako sa sinabi niya. Tama naman siya, pero hindi ko lang talaga alam kung paano ko sasabihin kay mama kung saan ako magsisimula o ano. Natatakot ako na baka magalit siya saken, pero kilala ko naman siya hindi ganon si mama. Makikinig yun saken hindi ko lang talaga alam kung papaano.

"Pero kahit anong desisyon mo support lang ako. Andito lang ako palagi para sayo okay?" sabay hawak niya sa kamay ko.

Nagyakapan kami saglit at tsaka nagtawanan. Naalis sa isipan namin ang seryosong pinag usapan kanina dahil sa tanong ko.

"Bakit nga pala wala na sina Ma'am Precila dito?"

"Yun na nga sumunod kay Sir Luke, don ata magpapakasal sa fiancé niya. Ayaw kasi dito ni Ma'am Precila, ewan ko ba"

Napansin ko lang kasi na sobrang tahimik nitong mansion. Nong nakaraang buwan pa sila wala dito, sabagay silang mayayaman gusto talaga na doon sa mga banyagang lugar kesa dito sa sariling lupain.

"Tsaka alam mo ba ... " pabulong na sabi ni Lucil at tumingin tingin pa sa paligid bago tuluyang nagsalita.

"May karelasyon daw kasi si Sir Luke na dating katulong dito kaya nga pinapadali yung kasal nila ng fiancé niya ... "

Natahimik ako sa sinabi ni Lucil, kung totoo nga yun kawawa naman pala silang dalawa o mas kawawa yung babae. Sa tingin ko naman mabait si Luke, minsan ko na siyang nakasalamuha noon at mabait talaga siya.

"Kawawa naman pala yung babae" sagot ko.

Tumango tango pa siya na parang sang-ayon na sang-ayon sa sinabi ko.

"Ang sabi nga ni tiyang sobrang ganda at sobrang bait daw non. Pero pinalayas nong malaman na may relasyon sila. Kawawa nga daw yun ng pinalayas dito sa mansion eh, umuulan tsaka tinapon lang daw sa labas ng gate yung mga damit... buti nalang daw naabutan ni Sir Luke, pero hindi na bumalik dito yung babae. Hindi ko rin alam kung bakit"

Naalala ko bigla si Mellisa, imposible naman siguro yun wala na si Luke dito nong makita ko siya eh. Pero hindi ko maiwasan ipaghambing silang dalawa nong babaeng nasa kwento ni Lucil.

Natapos yung usapan namin ni Lucil tungkol kina Luke kaya nagpasya nalang ako na umuwi nalang muna. Binigyan ko siya ng address ng bago naming tirahan, baka sa susunod na linggo daw sya makakadalaw. Hindi na ako nagpahatid kay Lucil sa gate dahil alam ko naman na may inutos pa sa kanya si Tiyang Rosa.

Nang makalabas ako sa gate ay agad akong nilapitan ng dalawang nagtatangkarang mga lalaki at may malalaking pangangatawan. Naiilang ako sa kanilang dalawa ng igiya nila ako papasok ng sasakyan bago sumakay sa kabilang kotse. Kanina kasi habang nagpapaalam ako kay mama, biglang dumating si lola.

"Ma pwede po bang pumunta muna ako kina Lucil? Sa QC lang naman po yun madali lang yung byahe. Mag je-jeep nalang po ako"

"Oh sige. May pera ka ba?"

"Meron naman po. Babalik rin po ako agad bago mag tanghalian"

"Mag-iingat ka" humalik ako sa pisngi ni mama at akmang lalakad na palabas ng dumating si lola.

The CEO's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon