CHAPTER 14

4.9K 105 0
                                    


Medyo maaga kaming nakarating ng Batangas kaysa sa inaasahan. Hindi naman ako masyadong nahilo sa byahe dahil don sa pina inom sakeng gamot ni boss sungit kanina.

Pagbaba namin ng sasakyan umihip agad yung hangin kaya hinanap ko agad sa bag ko yung pantali ko sa buhok.

"Wag mo masyadong itaas yung pagkapusod mo" biglang singit ni boss sungit kaya nagtaka naman ako kung anong sinasabi niya.

"Huh?" gulo kong tanong.

Hindi siya kumibo at bigla nalang lumapit saken para kunin yung pantali ko at pinihit ako patalikod. Aray ah, medyo malakas yun.

Para akong na estatwa ng maramdaman ang kamay niya sa may batok ko. Siniklop niya yung buhok ko at tinalian sa saktong lugar.

"Better. Less exposure of your neck" komento niya pa pagkatapos ay naglakad na.

Para akong tanga na nakangisi habang sumusunod sa kanya, ewan ko ba para akong high school na kinikilig dahil sa crush niya.

Teka, crush? Hindi ko naman siya crush. Oo hindi ko crush si boss sungit kahit ang gwapo gwapo niya, ang laki ng katawan niya, ang tangkad niya at ang bango bango niya. Hindi ko talaga siya crush.

Napatigil ako sa pag ngiti ngiti ng bigla niya 'kong harapin. Mukha siya iritado.

"Why the fuck are you smiling?" inis niyang tanong saken. Huminto naman ako at pinilit na isawala yung gumuguhit na namang ngiti.

"Hindi naman" po, pero hindi ko nalang sinalihan non baka magalit na naman.

"Tss"

Maya maya pa ay nakarating na kami sa may medyo hindi kalakihang opisina doon. May mga tao na kahit Alas dos palang naman. Mamaya pa kasing alas kwatro yung call time talaga.

"Welcome Mr. Delgado" bati sa kanya nong isang lalaking medyo may katandaan na sabay nag hand shake pa sila.

Napatingin naman saken yung matanda kaya nginitian ko siya.

"Girlfriend?" tanong nong matanda kay boss sungit.

Bakit ba lage silang nagtatanong ng 'GIRLFRIEND?' hindi ba pwedeng 'ALALAY?' ganon ba talaga karami ang babae nitong si boss sungit kaya lahat ng nakakasama niya napagkakamalang jowa niya?

"Yes" simpleng sagot niya kaya napatingin ako sa kanya, tinaasan niya lang ako ng kilay. Sungit.

May iba pa na bumati sa kanya at sunod lang rin ako ng sunod sa kanya, hindi nga ako mukhang girlfriend eh mukha akong alalay tsk.

"Total nandito na naman si Mr.Delgado why not mag umpisa nalang tayo? Para naman hindi matipid yung oras" sabi nong isang lalaki na sa pagkakilala ko ay yung Manager nitong Resort.

"Yes please" sagot ni boss sungit.

Nakaupo lang ako dito sa gilid habang nakikinig sa mga pinag uusapan nila. Ang laki naman pala ng resort na'to. Parang gusto ko tuloy mag ikot-ikot muna.

Tiningnan ko si boss sungit na masyadong seryosong nakikinig sa ibang nagsasalita. Ang gwapo niya lang lalo pag ganyan yung mukha niya, napakunot bigla yung noo niya at tumingin saken. Nataranta naman ako kaya nilipat ko agad sa ibang direksyon yung paningin ko. Nakakahiya.

Inip na inip na ako kaya kinalikot ko muna yung cellphone ko, bakit pa ba ako sinama ni boss sungit dito?

Nag text saken si Lucil kaya nag kwento ako sa kanya na nandito ako ngayon sa Batangas kasama si boss sungit.

: oy, ano yan? early honeymoon?

Napatawa ako ng mahina sa reply niya kaya agad akong nag type ng sagot.

The CEO's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon