CHAPTER 35

6.3K 114 31
                                    


"You okay?" tanong ni Lola pagkapasok sa kwarto ko.

"Ayos lang naman po"

"Sure?"

Tumango ako ng bahagya, hindi naman talaga ako maayos. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko.

"I'm sorry for what happened to you back then. If I only knew, hindi na sana kita pinilit ipadala abroad" lumapit siya saken at hinaplos haplos ang buhok ko habang naka upo lang ako sa kama.

"Ayos lang naman po yun La, tapos na yun"

"No, its not okay. That guy harmed you, tell me did he forced you?" nag-aalalang tanong niya.

Tumingala ako sa kanya at ngumiti. Kahit kailan hindi naman ako pinilit ni Silvestre. Kahit nong unang tagpo namin, wala namang pilitan na nangyari. Ako yung nasa wisyo ng mga oras na yun pero wala akong ginawa.

"Hindi niya po ako pinilit" malumanay kong sagot.

"Then... then why didn't he know that you're pregnant and -- "

"Mama , can you stop interrogating Catallina? Let her rest" singit ni mama kaya hindi na natapos ang pagtatanong ni Lola.

Naglakad siya papunta samin at hinarap si Lola.

"I was just asking why that Delgado boy didn't know about her pregnancy"

Hindi sinagot ni Mama si Lola, napatingin ako sa kanya ng may ilahad sa harap ko.

"Keannu is calling. Nong umalis siya akala niya tulog ka pa kaya hindi na nagpaalam. Hindi niya alam na nawala ka, tinatawagan niya rin ako. But I refused ... "

Kinuha ko ang cellphone sa kamay ni Mama at in-off muna. Mamaya nalang kita kakausapin Keannu, kailangan ko munang unahin yung pamilya ko sa mga bagay na ganito.

"H-hindi ko rin po alam nong una" yumuko ako " tsaka ko lang nalaman nong ... wala na yung baby" bulong ko.

Hirap na hirap ako sa pagsasalita. Noon akala ko pag tumagal na makakalimutan ko rin, akala ko hindi na ganito ka sakit. Pero bakit parang mas naging malala? Bakit mas masakit?

"Nakipaghiwalay ako sa kanya na -- na hindi sinasabi ang totoong dahilan"

Walang nagsalita sa kanilang dalawa, alam na naman ni Mama pero hindi ko parin mapigilan mapatingin sa kanya at titigan ang magiging reaksyon niya.
Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"A-akala ko kasi niloko niya 'ko. Akala ko may iba siya. T-tumawag ako kinagabihan sa kanya pero iba yung sumagot. S-sabi girlfriend niya"

"And who the hell is that girl?" galit na saad ni Lola.

"Let her finish first ma" si mama naman.

"Masyado akong nagpadala sa s-sakit at selos kaya siguro nagawa kong makipaghiwalay sa kanya at tinago nalang sa sarili ko. W-wala po siyang alam sa mga nangyari, w-wala po siyang kasalanan"

Itanngi ko man sa sarili, alam ko na. Sa mga sinabi saken kagabi ni Silvestre parang may kung anong nagising saken. Wala siyang kasalanan sa nangyari, walang may kasalanan sa mga nangyari. Nakatadhana nga sigurong mangyari iyon para marating ko kung ano man ako ngayon. Pero pinagsisihan ko na hindi ko nalaman agad na buntis pala ako.

"K-kahit na taon na po ang nagdaan. Kahit na marami ng nangyari. Hanggang ngayon ... mahal ko pa po si Silvestre" pumiyok ako sa huling sinabi at nag unahan ng tumulo ang aking mga luha.

Agad akong niyakap ni Mama habang si Lola naman ay nakatayo lang at umiiyak narin.

Isa lang yun sa mga nadiskobre ko kagabi. Kahit isang araw at isang gabi ko lang siya nakasama, parang walang nagbago sa nararamdaman ko. Ganon parin, siya parin talaga.

The CEO's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon