Pinunasan ko ang mga luha ko at inayos ang sarili ko. At hinarap ko ang lalaking kanina ko pa hinahanap at gustong gusto kong suntukin.
I punch his face. Napahawak pa siya sa puno. Napalakas ata yung suntok ko, aba, huwag siyang magagalit, dahil mas galit ako lalo na at iniwan niya ko.
"What was that for?" sabi niya sakin habang napapailing at hawak yung parte ng mukha niyang tinamaan ng suntok ko.
Napalakas talaga yung suntok ko.
Sorry par, disappointed lang ako. Hahahaha
"Para yan sa pang-iiwan mo."mayabang kong sabi sa kanya.
Tinignan lang niya ko. Aba mapride si pare.
"Tumigil muna tayo dito, let's take a rest. Mukhang napagod ka kakatakbo." seryosong sabe niya sakin, bago umupo at sumandal sa puno.
Umupo na din ako sa tabi niya at namayaning muli ang katahimikan.
"Gunggong magkwento ka naman about sayo." Sabe ko sa kaniya para maiwasan yung katahimikan.
Tinignan na niya ako ng parang nagtatanong 'What the heck, gunggong?'
Dahil matapang ako, tinitigan ko din siya, mata sa mata.
"You don't need to know me." sagor niya sabay iwas ng tingin sakin.
At muling tumahimik ang paligid.
"Bata palang ako nung iwan ako ng parents ko sa lola ko..." tumingin lang ako sa madilim na langit at sinimulan ko ang pagkukwento kahit na mukhang walang pakialam itong kasama ko.
"... naging mabuting apo ako sa kanila. Nag-aaral ako ng mabuti, kahit tamad ako sa bahay hahaha. How ironic, masipag sa eskwela but tamad sa bahay." napangisi ako habang inaalala ko yun.
"Pero nagbago ako, tumutulong na ko sa gawaing bahay. Ayoko na kasing maging pabigat sa kanila. Then nag-high school na ko. Nung high school, ayun sobrang saya marami akong nakilala. Some of them became my friends. Actually, all most them haha friendly ako e. Tapos nung grade 9 ako, may nakilala akong isang babae." napahinto ako sa pagsasalita at tinignan ko siya.
Nakatingin siya sakin na para bang bata na naghihintay sa kwento. Napailing ako at nag iwas ng tingin sa kanya.
"Naging magkaibigan kami, hanggang sa naging lovers. Sa kaniya umikot ang mundo ko. Mahal na mahal ko siya..." naramdaman ko na naman na gustong kumawala ng mga luha sa aking mga mata. Kaya tumingala ako sa langit at pumikit,itinuloy ang aking kwento.
"She was my first love, siya yung babaeng gugustuhin mong makasama sa habang buhay. Yung babaeng handa kang mahalin ng lubos at tapat. Siya yung pinakamamahal ko. Naalala ko inaya ko siya ng lunchdate, that was our first date. Inaya ko siyang kumain sa Tapsilugan na kinakainan namin ng barkada ko, inaasar pa kami ng mga kaibigan ko. Mahal na mahal ko siya more than myself or anyone else." nakapangiti ako habang naaalala ko ang bawat sandali na kasama ko ang taong yun.