"I'm pregnant" bulong ko sa aking sarili habang nakatitig sa dalawang guhit sa pregnancy test.
Namuo ang luha sa aking mata. I prayed so hard that the test will turn out negative ngunit iba ang binigay. Ilang beses kong inulit ang test ngunit walang nagbabago. Kada positibong resulta ay mas lalo akong kinakabahan at natatakot, at kada may nagnegatibong test ay nabubuhayan ako ng loob. Now is not the time to get pregnant. Masyado pang magulo. Magiging kawawa lang ang anak ko.
Napasalampak ako sa sahig ng banyo nang umabot na sa sampung test ngunit dalawang negatibong resulta ang lumabas. The rest of the pt says that I'm pregnant.
Hindi ko mapigilang pakawalan ang aking luha. Sunod sunod ang pagbuhos nito. Pati ang aking hikbi ay palakas nang palakas. I clutched my chest because of the pain and fear that I'm feeling.
"Baby naman, Bakit ang wrong timing mo?" I said as I touched my abdomen.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatunganga. I cried until there were no more tears. Nang maramdaman ko ang pangangawit ng aking paa, tumayo na ako at naghilamos bago naglakad pabalik sa sala. Tahimik akong umupo sa sofa habang pinagmamasdan ang kalangitan. Gusto kong uminom at magpakalasing ngunit may isang maliit na pulso na sa aking katawan. Pinagdadasal ko man na sana hindi ako buntis ngunit hindi ko kayang saktan ang walang kamuwang-muwang na bata sa aking sinapupunan.
Dumako ang aking mata sa aking phone. Sigurado akong bugbug na bugbug na naman ang imahe ko sa social media. Buong maghapon akong nakaupo roon at pinagmamasdan ang labas. I saw how the sky turned from blue to orange until the color was gone. It was now pitch black. It's the color that describes the situation and feelings I'm experiencing right now.
Nawala ang atensyon ko doon nang marinig ko ang pagbukas sara ng pinto. I immediately got up. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pati ang kaba ay bumalik. Magkahalong sakit, takot at kaba ang aking nararamdaman.
My eyes immediately flew to him. Hindi ito nag-abalang tignan ako.Para akong tinutusok sa sobrang sakit. Halatang halata ang pagod at puyat sa kanyang mata. It's been almost 3 days since I last saw him. He was ignoring my calls and messages. I want us to talk. I want to explain to him my side but he won't let me. Ngayon nandito siya sa harapan ko, hindi ko alam ang mararamdaman ko.
"Where have you been? Sa loob ng tatlong araw nandoon ka ba sa kanya." hindi ko mapigilang tanong. Kumuyom ang kamay ko nang hindi niya ako pansinin at dumiretsyo sa aming kwarto.
"Stop ignoring me. Why won't you let me explain my side?" frustrated kong sigaw. Pati ang luha ako ay nagsibuhusan na naman. Fuck. Hindi ba pwedeng makapagsalita muna ako nang hindi umiiyak.
Panic started to creep into me when I saw him get a duffel bag and started putting his clothes on.
"What are you doing?"
Lumapit ako sa kanya at tinanggal ang damit na nilagay niya roon. Sinaway niya ang kamay ko dahilan upang matigalan ako. I stared at him while crying.
"Ivo, Please don't leave me." pagmamakaawa. Hinawakan ko ang braso niya upang pigilan siya.
"I swear, walang namamagitan sa amin ni Jared. About that kiss, I was out of my mind when that happened. Please, Ivo." iyak ko sa kanya.
"Pakinggan mo naman ako. Lahat sila tinalikuran na ako pati ba naman ikaw. Please Ivo, you promised to stay with me. Dapat panindigan mo iyon."
Hindi ito nagsalita o kahit magawang lingunin man lang ako.
"I'm pregnant." I blurted. Nilingon niya ako. Marahang umuwang ang kanyang labi. Bakas sa kanyang mukha ang gulat. I bit my lower lips to stop myself from crying. Please, Stay with me Ivo.
BINABASA MO ANG
Caught in the Fire (Temptress Series #1)
RomansaSerene Quinn Fuentes struggled to be on top of her career. She worked hard to become one of the most famous and highest-paid actresses in the country. Kaya naman hindi niya matanggap na sa isang iglap ay unti unting lumulubog ang kanyang career. She...