Lunch break na namin and nasa cafeteria kaming tatlo nag order akong lasagna, 2 pcs of pizza, and coke in can heaven.
Nag order na rin sila ng kakainin nila.
At parang gusto kong sikmurain sa nakikita ko guess what? Nandito ang asungot na payat na yon syempre kasama nya penguin nya at may kasamang dalawang lalaki malamang sa malamang tropa nya yung isa maliit pero maayos ang katawan yung isa naman chubby.
Nang iserved na ang pagkaing inorder ko agad ko itong nilantakan.
"Hey girl gutom na gutom? Para kang isang taon di nakakain ah" puna sakin si Reign
Di ko sya pinansin at sunod sunod kong kinain lahat at geez! Nabulunan ako agad naman lumapit si Reign para tapikin ang likod ko at painumin ng tubig
"Gosh dahan dahan lang kasi para ka namang mauubusan e oh andami pang foods dito oh share pa tayo" Sabi naman ni Trina
Mukha ba kong patay gutom hukayin ko mukha nyo e joke.
Okay naman na ako
"May nakita lang akong asungot tch tara na nga 15 minute left bago magpasukan ulit let's go"
Natapos na ang buong klase na puro pagpapakilala lang wala masyadong ginawa dahil first day of school pa lang naman so tomorrow normal class na.
Tumambay muna kami sa bench tutal 3:00 pm pa lang
Biglang nagyaya si Reign
"Guys gusto nyo bang manood tayo sa court?may mga naglalaro ng basketball doon so ano? G ba?"
Tumango naman kami ni Trina tutal para naman makalibot din kami
Habang papasok kami ay may namataan akong mga player na naglalaro fresh nila
habang nagsh'shoot yung isa sa kasamaang palad napalakas ang tira at tumilapon sa mukha ko ang bola.
Nakita ko pang nagulat sila Trina sa nangyari at sa huling vision ko nakita ko ang isang pigura nang lalaki na papalapit sa akin at tinapik tapik ang mukha ko and everything went black.
Nagising ako sa bulungan ng mga katabi ko tiningnan ko paligid ko lahat kulay puti siguro naman wala pa ko sa langit kasi may nagmumura dito e
"Buti naman gising ka na alam mo bang nag aalala ako sayo? Ano pakiramdam mo? Saan masakit? Kilala mo pa ba ko? Goodness naman Kaina ako to friendship mo huhu"
Gusto kong sapakin ora mismo itong si Trina kahit kailan talaga OA e.
"Oh baka tapos ka na?" Sabi ko
"Kilala mo ko? Kyaaaah thanks god!" Pota talaga
"Anong nangyari? Bakit nandito na ko?sino nag dala sakin? "
"Girl natamaan ka ng bola nag passed out ka sa tindi ng impact and guess what? Si Aries nagdala sayo dito " Sabi ni Reign
Kumunot ang noo ko who's Aries?
"I know you're asking yourself who's Aries but sya yung guy na nakabungguan mo kanina" ani Reign
Wow ha kala nya naman porket ginawa nya yon okay na kami? Duh no freaking way as in no it won't happen.
"Mag thank you ka sa kanya kasi tinulungan ka nya kanina"
"Duh no way atsaka paano ako magpapasalamat wala naman sya dito ano hahanapin ko pa sya? Special nya naman"
"Ms. Sungit I'm here"
Halos mapaiktad ako sa gulat nang makita syang prenteng nakaupo sa isang couch what the hell kanina pa ba sya nandito? Geez narinig nya kaya sinabi ko? Nakakahiya ka self!
Pero no wag kang mahiya sya nga di nahiya sayo kanina so quits lang *smirk*
"Thanks payat " mapakla kong sabi
"I'm going get well sungit"
At umalis na sya wow nice nice first day of school ganito kaagad inabot ko
Amazing ha sa dami pati ng pwedeng tumulong sakin yong payat na yon pa talaga! Argh I hate him so much.
YOU ARE READING
Not My Type
Teen FictionHindi ko sya type na lalaki lahat ng katangian nya ayaw ko pero hindi ko alam na mahuhulog akong husto sa kanya, nakakatakot dahil di ko na mapigilan pa ang nararamdaman ko di ko akalain lalalim ito at baka di na ko makaahon pa.