After umalis nung guy na Aries daw ugh basta yung payat na lalaki na yun e tinawagan ko na si mommy and I told her na pauwi na ko.
Di ko na binanggit pa yung tungkol sa pagkakahimatay ko dito sa school dahil malamang sa malamang maghi-hysterical na naman sya kapag nalaman nya pa.
Pinauna ko na sila Trina at Reign masyado ko na silang naabala kanina pa dapat sila umuwi pero dahil sa'kin late sila makakauwi.
Sabi naman nila okay lang daw di na ko nangulit
And ngayon nandito na ko sa labas ng school namin para antayin si manong na sunduin ako.
After 10 minutes nandito na sya kasama nya ate ko at si Fraia.
"Oh Kaina how's your day?" Sabi ni ate.
"I'm fine naman ate wala naman masyadong ginawa, kayo? San punta nyo? Bakit nandito kayo?"
"Nagpasundo ako kay manong magkaaway kasi kami ni Andrew"
I knew it away na naman psssh! Laging ganan sila kapag magkaaway tatakbo papunta sa bahay bakit kasi di nila pag usapan nang maayos agad diba?
"Oh I see hi Fraia miss me?" Bati ko sa pamangkin ko
"Oo naman tita namiss kita di ako makapunta sa inyo kasi wala si Lola mommy busy e kaya sorry ha tita?" Tugon nya sa sweet at malambing nyang tono
4 year old pa lang si Fraia at ang lambing lambing na bata.
Sabi sakin ni ate Ynnah pinaglihi daw sakin si Fraia pffft yun ang sabi nya.
Nakarating din kami sa bahay sa wakas and to my surprise nandito si mommy ghad anong meron kaya?
"Mommy!" Tawag ko at agad lumapit sa kanya.
"Lola mommy!" Tawag naman ni Andy at tumakbo din para makiyakap.
Ugh sarap sa feeling na ganito madadatnan mo.
"Musta school anak? Teka bakit namumula ata mukha mo?" Singit naman ni mommy
"Uhm ano po ito po ba?" Sabay hawak sa mukha ko "napasobra po ako sa blush on hehe tsaka okay naman po ang school ayos na ayos po akyat na po ko ah pagod ako e hehe"
At nagmadali akong umakyat sa kwarto sabay na hinawakan ang mukha mo napapikit ako kasi mahapdi sya.
Pisting yawa kasing player na yon pasalamat sya di ko sya nakita kung hindi *smirk* may kalalagyan din sya.
Saglit akong napaisip, bakit naman ako tinulungan nung Aries na yon? Di naman kami close at mas lalong hindi naman sya yung nakagawa kung bakit ako natamaan ng bola.
Mabait naman pala sya talagang hinintay nya pa ko magising grabe naman pero totoo kaya yon? Baka naman napilitan lang sya or may nag utos lang.
Tsk di yon magiging mabait sakin tawag nya nga sungit e psh!
Agad naman nag vibrate ang phone ko
Ah si Lloyd hmmm bakit kaya? Sinagot ko na ang tawag nito.
"We need to talk pwede ba tayo magkita?" Sabi nya sa malambing na tono
Agad naman akong kinilig don kyah! Ito na ba yon? Manliligaw na ba sya? Or sasabihin na nyang official na kami kahit wala nang ligaw ligaw.
"Uhm sure saan ba?"
"Sa South Café mag prepare ka na I'll be there hmmm 30 minutes siguro"
Kaagad nyang pinatay ang tawag
Nagbihis na ko at nagsuot lang ng komportable na damit
After 15 minutes of preparation
Tada! Okay na ko nakasuot lang ako ng shorts at long sleeve na croptop and rubber shoes.
Nagpaalam na ko kay mommy at sinabi kong saglit lang naman pumayag naman sya mag ingat lang daw ako.
Nakarating na ko sa place kung saan kami magkikita wala pa sya so nag antay lang ako umorder na rin ako ng drinks para kahit papaano di ako mainip.
Maya maya lang ay nakita ko na syang papasok ghad gwapo pa din sa paningin ko kahit naka white t shirt and shorts lang sya damn!
"Hey?" Agaw nya sa atensyon agad naman akong napaayos ng upon.
"U-u-uhm hey hehe" mukha akong timang bakit ba ko nauutal pisting yawa naman.
"Di na ko magtatagal deretsuhin na kita" abot langit na ang ngiti ko ito na ba? Lord naman e antagal ko tong hinintay papakasal na ko mommy!
"Wag mo na ko kulitin may nililigawan na ko sorry pero di kita mahal e napipilitan lang ako sayo so please layuan mo na ko"
Laglag ang panga ko sa sinabi nya kung kanina halos mapunit ang labi ko kakangiti ngayon parang wala na kong maramdaman.
Ang alam ko lang masakit at mabigat sa pakiramdam ang sinasabi nya ngayon.
Ngumiti ako ng mapakla
"Ah sure oo naman kung yun ang gusto mo nirerespeto ko pasensiya ka na ha nakakaabala na pala ko sayo I'm sorry Lloyd last na to di na to mauulit"
Ngumiti syang pilit na sinabing uuna na sya dumaan lang daw talaga sya para daw maayos ang usapan namin.
Kasabay ng pag alis nya ang pagdagsa ng luha sa mata ko.
So all this time sagabal ako?
Wala lang pala ako sa kanya di nya pala ako gusto napipilitan lang pero bakit? Bakit kailangan nyang gawin yon sinadya ba nya para saktan ako?Hindi ko lubos maisip na kahit anong gawin ko di nya kayang suklian ang pagmamahal ko.
Nagulat ako nang may nag abot sa akin ng panyo kaagad ko naman itong tinanggap di ko sya maaninag masyado dahil masyadong malabo paningin ko.
Matapos kong punasan ang luha ko ay mas ikinagulat ko kung sino iyong nagbigay ng panyo.
"Miss Sungit"
Kaagad tumindig ang balahibo ko sa pagtawag nya sakin malagom at halatang iritado sya, why?
"Bakit ka nandito anong ginagawa mo?" Tanong ko habang nakatungo ako.
"Masama bang pumunta dito? Napadaan ako dahil may nakita akong babae na tulala at umiiyak nakita ko kasing nag walk out boyfriend nya" Sabi nya pa alam kong ako ang sinasabihan nya.
"Okay lang naman ako e tsaka isa pa di ko boyfriend yon" pagbibigay alam ko sa kanya totoo naman e.
"Pero pinapaiyak ka nya? Mga babae talaga"
Umiling iling pa sya na parang disappointed sya sakin.
"Alis na ko okay lang ako itong panyo mo ibabalik ko din bukas."
YOU ARE READING
Not My Type
Teen FictionHindi ko sya type na lalaki lahat ng katangian nya ayaw ko pero hindi ko alam na mahuhulog akong husto sa kanya, nakakatakot dahil di ko na mapigilan pa ang nararamdaman ko di ko akalain lalalim ito at baka di na ko makaahon pa.