chapter 7 - Ang makilala ka

14 0 0
                                    

After nang pagsama samin ni Aries bigla akong napaisip di ko pa sya masyadong kilala ngunit  magaling sya makisama.

Ano kayang year nya? Grade 12 din kaya sya? I wonder kung ano bang strand nya.

Infairness gwapo talaga sya at the same time cute hays paano nya nagagawa yon?

Singkit ang mata, katamtaman ang tangos ng ilong nya pero bumagay sa mukha nya, kissable lips, maliit ang mukha, sakto lang ang height, sakto din ang kulay ng balat nya di sya moreno pero di rin sobrang kaputian.

Ugh anong nangyayari sakin? Tinapik tapik ko pa ang mukha ko.

Ghad bakit naman po ganoon? Bakit ko ba sya iniisip aish. Isinantabi ko na lang muna ang naiisip ko.

Nang bigla kong naalala di ko pa binabalik yung panyo nya omg papalabhan ko nga kay nana.

Bumaba na ko at nakisuyo sa kanya na labhan ito dahil di ito sa akin pumayag naman sya.

Umupo ako sa salas at nanood ng kahit anong palabas para lang mawala inip ko.

May naririnig akong ingay sa labas kaya naman tumayo ako para silipin kung sino ba yon at nagtatawanan pa sila.

Nagulat ako ng makita ko mga pinsan ko agad naman akong lumabas at sinalubong sila

"Angeline? Joana? May?" Umawang ang bibig nila nang makita ako dinumog nila ako at niyakap

"KYAAAAAAHH! couz! Omg ang ganda mo lalo anong nangyari we miss you girl kaya kami sumugod dito besides wala naman kaming klase." Sabi ni Angeline

"Grabe naman biglaan naman yata buti na lang maaga ako nakauwi pasok na muna tayo sa loob"

"Nagtitilian sila habang papasok ani mo'y mga ngayon lang nakatakas HAHAHA

"So how's your school couz? I bet wala ka pa ring love life and you're stuck with that guy named Lloyd right?" Ani naman ni May

At sabay sabay nila akong inirapan

Pffft what's wrong with them? Ah di ko pa nga pala nasasabi sa kanila na di na kami nag uusap ni Lloyd

"Okay listen guys wala na kaming communication ni Lloyd and he said may nililigawan na sya that's it"

At lalo namang di maipinta ang mukha nila

"That bastard! I will kill him"

"Yes I'll kick his not so handsome face"

"He's getting into my nerves!"

See? Ganyan sila protective sila sakin sila pa tong gigil
"Girls I'm okay naman na di nyo kailangan magalit hayaan na lang natin besides I'm already tired na rin naman kakahabol sa kanya I don't think deserved ko yon natauhan na ko HAHAHAH let's eat na lang?"

Napabuntong hininga na lang sila at agad namang sumunod sakin sa kitchen.

"Let's cook carbonara" pag iisip batang sabi ni Joana medyo childish kasi itong isang to e

"May and Angeline kayo mag luto prepare ko lang yung pagkakainan natin" I said.

Tumango naman sila

Habang naghahanda sila ay tinawagan ko si mommy at sinabi kong nandito mga pinsan ko di ko pa alam kung dito ba sila tutulog or uuwi din mamayang gabi.

Okay naman wala namang problema kay mommy ayos pa nga e nagtaka lang sya bakit daw maaga ata akong umuwi kinuwento ko naman.

And finally luto na rin ang pasta at ready na kaming kumain lalo na ako at si Joana fave namin to e.

When I was young kasi mommy usually cooked pasta and super sarap nya maggawa one of the best talaga di nakakasawa.

"anyway guys pinapatanong ni mommy if dito daw ba kayo tutulog?"

"no" sabay sabay nilang sabi pfft kailangan talaga ganon?

Natawa na lang ako

We talked about our school, families, crushes and other stuff.

6 pm na so uuwi na daw sila dahil may class pa sila bukas.

Nagpaalam na sila isa isa sa'kin they kissed and hugged me before they leave.

Sobrang saya ko ngayong araw.

agad na kong pumasok sa loob at kaming dalawa na lang nandito ni nana.

Nakita ko syang naghuhugas ng pinggan kaya agad akong lumapit.

"Nana?"

"Oh nak bakit? Gutom ka ba?" Nag aalala nyang tanong.

"Hindi okay lang po bang makausap kayo saglit?"

"Oo naman nak ano ba iyon?"

"Nana ano pong nagustuhan mo sa asawa mo?"

Saglit pa syang natawa sa tanong ko kaya kumunot naman ang noo ko.

"Wag mo sabihing mag aasawa ka na nako yari ka sakin at sa mommy mo" saglit syang tumigil "ang totoo nan  nak di talaga sya yung tipo ko wala sa kanya yung gusto ko pero ewan ba isang araw nagising na lang ako na mahal na mahal ko sya at don ko napagtantong darating ang araw kung anong ayaw ko sa kanya yun ang mamahalin ko pa ng sobra" Sabi nya habang nakangiti na parang ito ang pinakamagandang nangyari sa buhay nya.

"Wow naman pala nana halatang mahal na mahal mo po ang asawa mo"

"Oo sobra nak sya yung taong nagpamulat sakin kung gaano akong kabuting tao"

Napangiti ako kahit papaano sa sinabi ni nana.

At ngayon masasabi kong masaya ako walang lungkot na namumutawi.

Isa lang ang gusto ko mangyari.

Ang makilala pa si Aries.

Not My TypeWhere stories live. Discover now