Haaay. Kanina pa ako nandito ang tagal naman ni Ranz. >.<" 5:30pm na oh? Mag gagabi na. Natatakot paman din ako umuwi mag isa. (Ring) May nag text sakin si Ranz.
From: Ranz 0906*****11
Best, Mauna kana umuwi. Hindi ako makasabay e. Sorry talaga.
Sana pala hindi ko nalang siya hinintay. Dapat pala nauna nalang ako.:/
RANZ POV
Ayan na tapos na inaayos ko. Salamat naman. Bilis na Ranz at nag hihintay na si Best mo si Mae. Pag labas ko sa Room may sumalubong sakin.
"Ranz, Para sayo nga pala. Sana magustuhan mo. Ako nga pala si Jha."
"Salamat Jha." Nag-smile ako sakanya. Si Jha, naging crush ko siya nung 1st Year kami kasu lang may BF na siya nun kaya tinigil ko na. 4-Class B siya.
"Bakit di ka pa umuuwi?" Tanong ko sa kanya.
"Kasi hinintay kita para ibigay sayo yung chocolate na ginawa ko sayang naman kung hindi ko mabigay sayo."
"Sorry napaghintay kita hah. Sinong kasama mong uuwi? Mag-gagabi na aa."
"Isa ko lang."
"Gusto mo ihatid kita?"
"Aaah. Wag na nakakahiya."
"Hindi, okay lang." Bakit ganito nararamdaman ko parang bumabalik nanaman feelings ko sakanya. Hala! Nakalimutan kong sabay pala kami ni Best uuwi bakit ko siya niyayang ihatid mamaya may mang-yaring masama kay Best e. Wala naman sigurong mangyayaring masama kay Best. Okay lang sakanya yun maiintindihan naman niya e. Kaya tinext ko nalang siya.
END OF RANZ POV
Nag lakad nalang ako para umuwi kasi nakasanayan ko naman na. Haaay. Malayo pa ako bahay tapos ang dilim pa. Habang nag lalakad ako. May nakasalubong akong dalawang lalaki at napatigil ako.
"Hi Miss, anong pangalan mo?" Sabi sakin nung lalaking lasing.
"Bakit mag isa ka lang? Gusto mo samahan ka namin?" Sabi nung isang lalaki at hinawakan yung braso ko.
"Wag na po okay lang. Mauna na po ako." Tinanggal ko yung kamay ng lalaki at nag patuloy nag lakad.
Pero hinablot nung lalaki wrist ko at pinaharap sakanila.
"Kinausap ka namin ng maayos ha." Tapos hinigpitan nung lalaki yung pag hawak niya sa wrist ko. Ranz, kung nandito ka lang sana hindi ako mapapahamak ng ganito. Kung nandito ka sana ikaw ang aaway sa kanila. Ranz nasaan ka? Hindi ko alam gagawin ko.