Chapter 6
Pumasaok na yung teacher namin at sinabi.
"Sa monday mag kakaroon tayo ng School Festival. School Fair din siya kasu pinalitan lang. Bawat year dapat mayroong mga Booth, mamayang hapon dun niyo aayusin ang mga Booth niyo para sa Monday maayos na. Sa mga perang maiipon niyo mapupunta yun sa mga Fond ng bawat section." School Festival? Haaay. nanaman. :/
"Sir? Kahit ilang Booth po ba?" Tanong ng Presidente namin. Okay lang kahit ano pwedeng mag-tinda ng pagkain, Ice Cream at iba pa.
"Oo kahit ilan. Basta yung makakaya niyo lang. Sana lahat kayo makipag cooperate kasi dagdag points ito. Mag-usap na kayo para alam niyo mga dadalhin niyo mamayang hapon." Nag-usap usap na kaming magkakaklase at ang gagawin naming Booth ay Jail Booth, Marriage Booth, Divorce Booth at PhotoBooth.
FLASHBACK (Nung 2nd Year ako)
Nag-lalakad ako tinitignan ko yung mga Booth ng bawat year tapos napansin ko na ang daming nakakalat sa floor na papel may nabasa ako Don't Step on me. Pero inaapakan ko pa rin.
"Ate halika po kayo." Sumama ako sa babae at kinulong ako sa Jail Booth nila.
"Oyy Ate bakit ako nandito?"
"Umapak ka po sa papel e, nabasa niyo naman po siguro yung nakalagay dun na Don't Step on me. Kung gusto niyo pong makalabas dyan may ipapagawa kaming dare sa inyo." Dare? Ang dami naman nilang nalalaman. Pumayag na ako para makaalis na ako. Kasi ang dami na namin sa Jail Booth nila.
"Sige ano yun?"
"Kailngan mong isagaw ang pangalan ng crush mo dapat sabihin mong crush kita tapos buong pangalan ng crush mo." Ano Crush ko? Bakit crush pa? Pero kailangan talaga ayaw ko naman mag bayad kasi 50 pesos ang babayaran. Goodluck sakin.
"Crush Kita Clarence Villafuerte!!!!!" Haaay. Salamat tapos na din makakalabas na din ako dito. Pag kalabas ko napansin kong nakatingin silang lahat sa akin. Tapos pag ka kita ko nakita ko si Cav nick name ni Clarence narinig niya ata? Ang malas ko naman. Kaya simula nung araw na yun hindi na niya ako pinansin hanggang ngayon. -.-" Kaya Kinalimutan ko na feelings ko sakanya.
END OF FLASHBACK
Tapos nag ring na yung bell. Kinuha ko na yung mga gamit ko pero bago ako umalis lumapit sakin si Best ko si Ranz.
"Best? Kayo na ba ni Ully? Ully ba yun?" Tanong niya sa akin.
"Oo Best kami na." Tapos nag-smile ako sakanya at nag-smile siya sa akin tapos parang napansin niya ata yung gasgas at pasa ko.
"Anong nangyari sayo? Bakit may gasgas ka at pasa?" Tanong niya sa akin. Naaalala ko nanaman yung kagabi. -_-
"Aaah. Ito yung kagabi, gabi na kasi ako na kauwi kahapon kasi hinintay kita kasu nag-text ka sa akin na hindi mo ako masasamahan tapos umuwi ako mag isa tapos may dalawang lalaking lasing kasi kagabi kaya ito ako, may pasa at gasgas." Parang nalungkot siya.
"Sorry Best hah. Sinamahan ko kasi si Jha umuwi e nakalimutan kung sasamahan pala kita."
Jha nanaman. Tsch yung crush niya dati na kinakabaliwan niya.
"Okay lang yun wag kang mag alala." Tapos nag fake smile ako sakanya.
"Babawi ako sayo sabay tayo uuwi mamaya tapos kain tayo sa Mall." Sabi sa akin ni Best.
"Sorry Best ha. May pupuntahan kami ni Ully mamaya e at siya na mag hahatid sakin sa bahay." Sabi sakin ni Ully kanina e nung hinatid niya ako sa room ko na kakain kami sa labas at siya na maghahatid sakin sa bahay.
"Aaahh. Eeeh. Ganun ba? Okay pala. Ingat kayo. Sabay nalang pala kami ni Jha." Jha, Jha, Jha haaay. :/
Lumabas na ako ng room at may humarang sakin. Si Ullycrush ko o should I say UllyBabe ko. :) Tapos bigla niya akong in-kiss sa lips. Nagulat ako.
"Oyy. Ano ba mamaya pagalitan tayo e."
"Wag kang mag alala wala namang Teacher e." Tapos nag-smile siya sa akin. "Kain tayo sa Mall Babe tapos bili na din tayo ng Kailangan natin para smamayang hapon sa pag gawa ng Booth.
"Osige pala Babe."
Nag-taxi na kami papunta sa mall. Binaba na kami at inabot ko sa driver yung pera.
"Manong eto po oh."
"Babe, Wag na ako na ang magbabayad."
"Haaah? Bakit ikaw?"
"Syempre BF mo ako."
"Nakakahiya naman."
"Wag kang mahiya ako naman ang may gusto e."
"Salamat Babe, I love you Babe." Sabi ko sakanya at nag-smile ako sakanya.
"I love you more Babe." Nag-smile sakin si Ully. Wait bakit lumalapit yung mukha ni Ully? Ano to Kiss nanaman? Nakakailan na siya aah?