Chapter 5
Nag-alarm na yung orasan ko. Haaay. Pasok nanaman. Dibale Friday naman na. TGIF :) Bumgangon na ako at naligo, nagbihis na at kumain na ng breakfast. Nag paalam na ako kay mama at papa na aalis na ako. Nag-taxi na ako para hindi na ako para hindi ako malate. Binaba ako sa harap ng school at pumasok na sa gate. Pag ka pasok ko sa gate nag lalakad ako sa may Hallway. May binigay sakin yung lalaki na rose at may nakatali na heart na papel.
"Kuya? ano to?" sabi ko sa lalaki kasu hindi ako pinansin. Binasa ko ang nakalagay.
You are the one makes my heart beat.
Ano daw? Ano to? May lumapit nanaman saking lalaki. ganun din rose nanaman may nakatali na heart at may nakasulat.
You are the only one making my life complete.
Ano to? Sino ba to? Si Ully?! Totoo ba to? <3 :D Papalapit sakin si Ully may hawak na rose lumuhod siya sa harapan ko at binigay niya sa akin yung rose na may nakasabit na Heart.
Can You be my one and only Girl?
Tapos sa baba nun may nakasabit na ring. Anong isagot? Kinikilig ako. Halos lahat ng students nakatingin samin. Pati rin yung mga students na nasa room nila tumitingin sila sa bintana nakatingin samin.
"Mae, Can you be my one and only Girl?" Tanong sakin ni Ully. Kinakabahan ako. Bumibilis tibok ng puso ko.
"Yes." Nag-smile ako kay Ully. Tumalon si Ullysa sobrang saya at nagpalakpakan yung mga studyante na nakatingin samin at nag hihiyawan siya.
"Kiiiiiiiiss!" Sabi ng mga studyante. Hala kiss? Sa lips?
Nilapit ni Ully mukha niya sa akin at sinabi. "Babe? Paano ba yan? Sila na ang nag rerequest? and dami na nila oh? makakatanggi kapa ba?" Babe?! Kinikilig ako! :D
"Hindi ako marunong ano ba?" Sabi kay Ully ng mahina. Totoo naman, hindi ako marunong e. Siya palang first BF ko. :)
"Wag kang mag-alala akong bahala sayo. I Love You Babe." Kinikilig ako. Yung feeling na gusto mung sumigaw sa soobrang saya. :)
"I Love You More Babe." Sabi ko sakanya. Nag-smile ako kaya Ully atin-kiss na ako ni Ully sa lips, ang lambot! Pwede isa pa? Hahahah Joke lang. Nghiyawan yung mga studyante.
"Sabi sayo akong bahala e." Gaaahd! Namumula ata ako. :D Nag ring na yung bell at pumunta na yung mga studyante sa classroom nila at kami ni Ully nandun padin at in-hug ako ni Ully ng mahigpit syempre in hug ko din siya. :)
"Congrats Pare." Lumapit yung kaibigan niya sa kanya.
"Oo nga pare. Sana magtagal kayo." Sabi naman nung isa.
"Salamat sa inyo hah. Maaasahan talaga kayo." sabi ni Ully sa dalawang niyang kaibigan.
"Oo naman a, What are friends for?" Tapos nag-smile siya kay Ully.
"Oo nga pala Babe. Si Oliver at si Owy, kaibigan ko." Sabi sakin ni Ully.
"Hi, ako nga pala si Mae. Nice meeting you." Nag-shake hands kami.
"Nice meeting you din Mae." Sabay sabi nilang dalawa. Sabay talaga ha?
"Mag-kapatid ba kayo? Kasi magkahawug kayo e." Tanong ko.
"Oo, Mag-kapatid kami." Sabi ni Owy ay hindi si Oliver pala. Napapagpaliktad ko silang dalawa. Sorry naman.
"We are the Posadas Brothers." Sabay nilang sinabi nakakatuwa sila at nag-tawanan kami. Pumunta na sa sila Oliver at si Owy sa room nila at si Babe naman hinatid niya ako sa room.
RANZ POV
Haaay. Nakarating na rin sa School buti nalang hindi ako nalate. :) BAkit ang daming studyante sa Hallway? Sumiksik ako sa napakaraming tao kasi hindi ko makita nakit ko si Mae tapos sa harapan niya may nakaluhod na lalaki. Sino kaya yun?
"Diba si Ully yun?" Sabi nung babaeng katabi ko.
"Oo. Si Ully yan ang swerte niya nung babae." Ohhh. So, Ully ang pangalang niya. Okay lang, gwapo pero mas gwapo ako. Singkit, singkit din naman ako medyo singkit lang. Maputi, Parehas lang kami ng puti. Teka lang bakit ko ba kino-compare sarili ko sakanya? e mas gwapo naman ako sakanya.
"Ang pangit naman nung babae kung tutuusin mas maganda pa ako dyan e." Makapag salita naman siya. hindi naman siya ganun kaganda. Gusto ko sana siya pag sabihan kasu lang ayoko ng may kaaway kaya nanahimik nalang ako kahit na gustong gusto kung ipaglaban si Best. Nawawalan na ako ng gana kaya pumunta na ako sa room. -.-"
ENF OF RANZ POV