III: I Met The Boys 🏀

15 0 0
                                    

Kasalukuyan akong nakikipagbuno kay Felix para sa pwesto na malapit sa aircon. Nauna naman ako dun sa pwesto pero inilipat niya yung laptop ko sa kabilang table para siya ang makaupo doon. Nilapitan ko lang saglit si Karen para kumuha ng ticket para sa game sa Friday pero pagbalik ko ay si Felix na yung nandoon.

Nandito kami ngayon sa ECE Lab para ayusin yung thesis namin. At nakakainis dahil ayaw makisama ni Felix!

"Huy Felix ako jan!"

"Ako na ngayon." Binelatan pa ko at bumalik na siya sa pakikipagusap sa isa naming kaklase.

"Nakikipagdaldalan ka lang naman kay Froilan!"

"Nyenye" sabat ni Froilan.

Inirapan ko silang dalawa sabay umalis. Narinig ko pang tinawanan ako nung dalawa. Bwiset talaga yung dalawang yun kapag nangaasar! -_____-+

Wala tuloy akong choice ngayon kundi ang umupo sa tabi ni Alexa.

"Hi." pagbati ko.

"Hi." inangat niya ang ulo niya upang ako ay tingnan saka nag-hi.

Awkward.

Hindi ko alam kung normal yun pero magkaklase kami for 3 years pero awkward kaming dalawa.

Sinimulan ko na lang gawin yung last block ng design ng thesis ko. Sa sobrang katahimikan ay sinubukan kong gumawa ng usapan. Baka sakaling maging close din kami, kahit sa mga huling buwan bago kami gumraduate.

Ehem.

"Manonood yung boyfriend mo? Sa Friday? Ng game?" Kung bakit putul-putol yung tanong ko ay hindi ko rin alam.

Hindi naman nakakagulat na alam kong may boyfriend siya kasi kalat naman sa buong classroom kahit sa ibang department na may boyfriend siya. Sabihin nating nabibilang siya sa mga "elite" ng campus. "Elite" -- mayaman at matalino. Sayang kasama sana si Julia, kaso mayaman lang.

"Oo. Kahapon kumuha ako kay Ms. Rizza ng tickets para sa boyfriend ko at mga tropa niya." sagot ni Alexa ng hindi ako nililingon. Naguusap kami kahit pareho kaming nakaharap sa monitor.

Ah, yun pala yung pinaguusapan nila kahapon ng secretary namin sa faculty office.

Tapos dead air...

"Elaine di ba nagdodrawing ka?" siya na ang bumasag sa katahimikan.

"Oo. Bakit mo natanong?" Napatingin tuloy ako sa kanya.

"Wala lang. Yung friend ng boyfriend ko, mahilig din magdrawing. Feeling ko same vibes kayo." saka niya ko hinarap at nginitian.

Hindi ko alam kung nirereto niya sakin yung kaibigan ng boyfriend niya or nagpapaliwanag lang talaga siya.

"Totoo? Anong klaseng vibe?"

"Hindi ko maexplain eh. Para bang ang weird." sinasabi niya yan habang nakakunot ang noo sa salitang "weird".

"So weird ako?" medjo nahalata ata na nainis ako kasi napatawa siya.

"Weird in a good way. Weird pero it turns out, cool pala. Parang ganon. May pagkamisteryoso."

"Ah. I'll take the good part. Thanks." For the first time nagkwentuhan kami about sa personal naming buhay ng hindi na-awkward. And it felt good. Parang nagkaroon ako ng bagong milestone sa buhay ko.

Nginitian namin ang isa't-isa, saka bumalik sa ginagawa.



Isang nakakaantok na seminar ang inattendan ko noong hapon. Isa kasi sa requirement namin ang maghost ng seminar para sa 3rd year to 5th year ECE students.

The Moment I Came To Like No. 11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon